Hindi matawaran ang saya ng mag-asawang Coleen at Billy Crawford nang sa wakas ay kanila nang inanunsyo ang isang magandang balita tungkol sa kanilang buhay mag-asawa.
Makalipas kasi ang dalawang taong paghihintay mula nang maikasal ang dalawa, buntis na sa wakas si Coleen at magiging magulang na ang mga ito sa unang pagkakataon.
Sa mismong unang araw ng buwan ng Mayo ay magkasunod na inanusyo nina Coleen at Billy ang magandang balita sa kanya-kanya nilang Instagram accounts.
Hindi maitatanggi ang lubos na kasiyahan nang dalawa nang sa wakas ay ipinaalam na nila sa publiko na limang buwan nang nagdadalang tao si Coleen.
“And just like that, we’re going to be parents! I can’t even express the joy of this day! I’ve been waiting to scream it out to the world.
Yes! My gorgeous wife and I are having a baby!!!!!,” ani pa ni Billy.
Ayon sa kanya, ilang taon na umano niyang ipinagdarasal na mabiyayaan sila ng anak. At matapos nang ilang taong iyon, sa wakas ay ibinigay na ito sa kanila ng Diyos sa Kaniyang ‘perfect timing’.
Hindi rin dito pinalagpas ni Billy na pasalamatan ang asawang si Coleen at kung gaano niya ito kamahal lalo na ngayong mabubuo na silang mag-asawa dahil sa kanilang paparating na anak.
“And thank you #myeverything @coleen for bearing with me cause everyone knows I’m the actual pregnant one! Hahaha you’re still sexy, gorgeous, gassy but classy 😅 I Love you so much #Mama,” dagdag pa ni Billy sa kanyang post.
Bago pa man magkomento ang iba, pabiro rin niyang pinangunahan ang lahat na hindi umano ECQ baby ang dinadala ni Coleen dahil limang buwan na umano ang tiyan ng asawa habang ang ECQ naman ay ilang buwan pa lamang mula nang maipatupad.
Ganun rin ang naging saad ni Coleen sa kanyang Instagram post kung saan inihayag niya ang sobrang pasasalamat sa biyayang ibinigay sa kanila.
Ani ni Coleen, December 2019 pa lamang ay buntis na umano siya ngunit, nalaman lamang nila itong mag-asawa sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Heto naman ang naging buong pahayag ni Coleen sa kanyang Instagram account:
“It’s been over 5 months now. And just like that, we’re more than halfway through! We found out earlier this year, but I’ve been pregnant since Dec 2019, and it’s been quite a ride since then!
Thank you to the friends who’ve been praying for us and checking in on us! We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good. Excited for us, Daddyyy @billycrawford.”
Hindi lamang ang mag-asawa ang natuwa sa paparating nilang baby kundi pati na rin ang kanilang malalapit na mga kaibigan.
Hindi nagpahuli ang mga ito sa pagpapaabot ng kanilang saya sa balitang inanusyo ng dalawa.
Ilan sa mga ito ay sina Angel Locsin at Vice Ganda na parehong malapit sa dalawa. Biro pa nga rito ni Angel, para lamang umanong kumain ng ice cream si Coleen sa liit umano ng tiyan nito kahit na limang buwang buntis.
Para naman kay Vice Ganda, proud na proud ito sa panibagong biyaya sa buhay ng isa sa kanyang maituturing na bestfriend.
Panoorin ng buo dito: