Isa na namang restaurant at food delivery driver ang nabiktima ng isang costumer na matapos um-order ng pagkain ay ika-cancel lang rin ito kahit na nae-deliver na ang pagkain,.

Nito lamamg ika-14 ng Mayo, ibinahagi ng restaurant na ‘Chacha Special Binalot sa Dahon’ sa San Pedro, Laguna ang nangyari umanong pag-cancel ng isang blogger sa order nito dahil mas gusto nalang pala nila umanong kumain ng pancit canton.

Bago nito, nakatanggap ng order ang naturang restaurant galing sa isang Reynan Gañete. Um-oder ito rito ng pagkain upang kanila umanong panghapunan. Umabot pa nga sa halagang Php 1,011 ang pagkain na ipinapa-deliver umano nito.

Request pa umano ng naturang Gañete, ihatid raw ang pagkain bandang alas 7 o alas 8 ng gabi.


Kaya naman, kahit daw pasara na ang kanilang restaurant ay hinabol pa rin nila ang naturang order at nang mae-deliver.

Bago umano mag-alas syete ng gabi, handa na umano ang naturang order kaya sinabihan na nila sa Gañete na parating na ang pagkain sa kanila.

Ngunit, walang pag-aalinlangan na sinabi umano nito sa restaurant na ika-cancel nalang umano nila ang order dahil nagbago ang isip nito. Ayon kay Gañete, pancit canton nalang umano ang kanilang kakainin!


“cancel na po”

“mag pancit canton nalang kami”

“next time nalang muna ha”

“e ayaw na po ng mga pinsan ko. canton nalang daw. pabago bago isip e”

“next time nalang pass muna”

“paki sabi po sa rider cancel at mag pancit canton nalang po kami”



Kahit na ipinaliwanag umano ng naturang restaurant na papunta na ang kanilang rider at hindi na nito pwedeng e-cancel ang order ay pasimple lamang umano nitong sinabi na ayaw na nila dahil pancit canton nalang umano ang kanilang kakainin.

Ang matindi pa umano rito, mukhang pati ang address na ibinigay nito sa rider ay hindi rin umano totoo o tama.

Ani naman ng restaurant, sana umano ay hindi nito ginagawa ang naturang biro dahil naghahanap buhay lang din sila.

Ngunit, pabalang rin itong sinagot ng naturang costumer at sinabing sila rin daw ay naghahanapbuhay. Isa umano iyong prank para sa kanilang blog kaya isha-shout out niya nalang umano ang restaurant.

“it’s a prank! para po sa blog namin hehe…”

“i shout out ko po kayo sa blog ko, thank you di kayo pikon.”

“i dinner niyo nalang po order ko.”



Sa kabila ng mga pakiusap ng restaurant ay hindi binayaran ng umano’y vlogger ang naturang order.

Ayon pa sa restaurant, naabotan pa umano ng ulan sa daan ang kanilang rider dahil sa naturang order ngunit mabibiktima lang pala nito. Ang masaklap pa nito, pasimple ulit itong sinagot ni Gañete at sinabing hindi naman umano umulan.

Kaya naman, sa isang Facebook post, ibinahagi ng restaurant ang naturang pangyayari upang hindi na ito mangyari pa sa iba. Naging viral agad ito at marami ang gustong magpaabot ng tulong sa kanilang rider.

“Please share! Nadale po kami ng pancit canton! Para wala na po mabiktima ‘tong tao na to!”

“Sa lahat ng nangyayari satin, may ganito pa palang tao… pa close na, kami hinabol pa namin ‘yung order niya kasi baka need nila talaga ng dinner. Sabi na din ng rider namin, sayang daw ‘yan at i-last order na namin kahit medyo maambon, ihahatid daw niya.

“Hindi na naawa sa mga nag-hahanapbuhay, kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkain niya!
Si Lord na lang bahala sayo!”

Source: buzzooks