Nitong nakaraang mga araw ay mayroong lumalabas na mga balita sa social media kung saan, iniuugnay ng mga netizen ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang babae na umano’y bago nitong pag-ibig.

Ang naging ugat umano nito ay ang mga kumakalat na larawan ni John Lloyd sa social media kung saan, kasama nito ang naturang babae. Ang tinutukoy rito ay ang isa umanong Jet Lee galing Cebu.

Halu-halo naman ang mga naging reaksyon ng mga netizen sa balitang ito ngunit, mas marami umano ang natuwa sa naturang posibilidad ng pagkakaroon ni John Lloyd ng bagong pag-ibig.

Ngunit, mukhang hindi lamang mga tagasubaybay na mga netizens ang mayroong reaksyon tungkol sa balitang ito dahil, ang naturang Jet Lee mismo ay mayroon ding inilabas na pahayag.

Sa isang Facebook post, umalma raw ito sa naturang balita ng pagkakalink niya umano kay John Lloyd.
     Imahe galing kay Jet Lee

Hindi umano totoo ang naturang tsismis o pinapakalat na balita at simpleng pagpapa-picture lamang umano ang naganap. Ngunit, maliban sa pagtanggi sa naturang balita, mayroon ding iniwang patutsada si Jet Lee sa mga gumagawa umano ng isyu at maling balita na ito.

Heto ang kanyang naging Facebook post:

“Shout out sa author pati narin sa mga pages gumagawa ng issue! nag papapicture lang, jowa agad…

“... uhaw na uhaw cguro sila ng followers para ma boost din page nila. pag gusto nyo sumikat pag sugba mo ice, richmindset ba! Naunsa natog mo? HAHAHAHAHHAHA”

Taliwas sa mga kumakalat na balita, si Jet Lee ay walang anumang kaugnayan kay John Lloyd. Ang anumang kumakalat na balita tungkol sa pagiging bagong babae nito sa buhay ng aktor ay walang katotohanan.

Mariin niyang tinatanggi ang naturang alegasyon. Dagdag pa nga nitong saad tungkol sa mga nagpapakalat ng naturang balita,

“TULUNGAN NALANG NATIN BOOST PAGE NYA, NANGANGAILANGAN CGURO, KAWAWA NAMAN HAHAHAHAAHHAAABABA”


Si Jet Lee ay kilala sa social media dahil sa hilig nito sa mga motor. Sa katunayan, ang Facebook page nito ay mayroon lang namang mahigit sa 600 000 followers.

Marami ang humahanga rito kaya naman, ang kanyang naging Facebook post tungkol sa naturang isyu ay umani rin ng maraming mga reaksyon.

Marami ang mga katulad niya rin ay hindi nagustuhan ang kumakalat na balita at ang pagkakadawit ng pangalan nito.

Sa ngayon, ang Facebook post na ito ni Jet Lee ay umani na ng mahigit sa 20 000 reaksyon at mga komento na nasa mahigit isang libo na.

Si John Lloyd ay nakabase umano ngayon sa Cebu kahit mahigit isang taon na mula ng maghiwalay ito at ang aktres na si Ellen Adarna.

                                     Imahe galing kay Jet Lee

Hindi katulad ni John Lloyd, si Ellen ay mayroon na ngayong bagong karelasyon. Minsan na nitong ibinahagi na nasa isang long distance relastionship ito ngayon sa Spanish Football player na si Carlos Lemus.

Sina Ellen at John Lloyd ay nagkaroon ng isang anak, si Elias Modesto. Ayon kay Ellen, nagkakasundo umano sila ni John Lloyd sa pagco-co-parent sa kanilang anak.

Dalawang beses umano sa isang linggo ay nakakasama ni John Lloyd ang kanilang anak.

Source: facebook