Relate na relate ang maraming netizen sa mga linyahan ng nanay na ito sa isang video na trending ngayon sa social media.
Sa video, makikita at maririnig ang umano’y sermon ng isang nanay sa kanyang anak. Maraming mga netizen ang naka-relate dito sapagkat linyahan rin umano ito ng kanilang mga nanay.
Aliw na aliw ang mga ito sapagkat lahat nga naman raw ng nanay ay talagang ganyan kapag umano nagbubunganga sa mga anak.
Kung dati ay kinaiinisan nila itong marinig, ngayon umano ay namimiss na nila ang ganoong mga sermon ng kanilang mga nanay.
Sa naturang video, makikita ang isang nanay na pinapagalitan ang kanyang anak dahil umano sa dami ng sapatos nito gayong hindi naman umano ginagamit.
“Ilan ang paa mo? 28?! 28? 28? P*tang*na 28! Daig mo pa ang octopus, g*go!
“Ito kahit ikut-ikutin mo, ilang buwan na, p*tang*na! Tapos na ang COVID, tapos na ang ECQ, hindi mo pa nasusuot lahat ‘yan!
“Dahil saan ka ba pumupunta, p*nyeta! Nag e-ML ka lang naman diyan!
“Kailangan mo ng sapatos, sige! P*tang*na ‘pag nag e-ML ka, magsapatos ka! Suotin mo isa-isa ‘yan, araw-araw. Suotin mo ha? Suotin mo!”
Kahit sino ay siguradong nakaranas ng talak galing sa kanilang mga nanay kaya naman, aliw na aliw ang maraming netizen sa nanay na ito.
Viral na ito ngayon sa social media kung saan, umabot lang naman sa mahigit dalawang milyon na ang views ng naturang video.
Karamihan naman sa mga iniwang komento ng mga netizen ay tungkol umano sa pagkakapareho ng kanilang nanay sa nanay na nasa video.
Ganitong-ganito rin umano ang kanilang mga nanay sa kanila sa tuwing mayroon itong hindi nagugustuhan lalo na umano kapag hindi naglilinis ng bahay.
Heto pa ang ilan sa mga komento na iniwan sa naturang video.
“"Ilan ang paa mo? 28? Daig mo pa octopus g*go!" hahahahaha tawang tawa ako sa linyahan ni mother dear.”
“You are a legend, Ateng. Oh how I miss my Mom, she would have sounded like you if she were alive today. God bless all the Moms.”
“Music to my ears si nanay!”
“That is what we call… ‘motherly love’ because she cares a lot (even in the simplest things). I miss my mom… I hope this pandemic will end soon.”
“Nanay’s voice is music in our ears. Love our moms and treasure every minute na andiyan sya.”
“... mas lalo pa siguro magagalit si nanay ‘pag nakadamit pang-lakad tapos naka sapatos e nasa bahay lang pala. Dagdag na naman sa labahin. Poporma porma e mag e-ML lang pala. Unahin kasi mga utos ni nanay bago ML. Baka pa nga bilhan ka pa ng sapatos niyan para 29 na lahat.”
Bukod sa mga ito, karamihan rin sa mga netizen ay nagpahayag ng mensahe tungkol sa pagmamahal sa mga nanay.
Kahit na talak umano sila ng talak, wala pa ring makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Katulad daw nila, darating din umano ang panahon na mamimiss nila ang ganitong mga sermon ng isang nanay.
Kaya naman, hangga’t kasama pa natin ang ating mga nanay, pasayahin, pahalagahan, at mahalin natin sila.
Panoorin ang buong video dito: