Noon pa man ay naba-bash na ang aktres na si Kiray Celis, o Johanna Ismael Celis ang totoong pangalan, dahil sa mukha nito na para sa mapanghusgang lipunan ay hindi ganoon kaganda at dahil hindi rin ito nabiyayaan ng katangkaran.

Ngunit, sa pagdaan ng taon ay natutunan na ni Kiray na balewalain at dedmahin ang mga punang ito sa kanya.

Sa ilang taon nito sa industriya, simula pa noong ito’y bata, napatunayan na rin ng aktres ang kanyang lugar sa industriya.

Natutunan na rin nitong maging confident sa sarili at ipagmalaki kung ano ang mayroon siya.

Kaya naman, hindi man nabiyayaan sa ilang mga bagay, proud naman si Kiray sa pagkakaroon umano nito ng magandang hubog ng pwet.


Madalas nga ay naipapakita niya ito sa kanyang mga larawan na ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ngunit, ang pagiging proud din dito ni Kiray ay hindi na nakaligtas sa mga basher.

Binabash ngayon ang aktres dahil sa madalas umano nitong pagpapakita ng likuran sa kanyang mga larawan.

Kaya naman, sa isang Instagram post, mayroong mensaheng ipinaabot si Kiray para sa mga basher niyang ito,

“Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede… OKAY LANG? Pag pwet ko, galit kayo? Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHA!”, panimula pa ni Kiray sa kanya umanong #PWETSERYE.


Ayon kay Kiray, bakit nga ba umano nagagalit sa kanya ang mga basher na ito dahil lamang doon. Iyon na nga lang umano ang ipinagmamalaki nito, hinahatak pa umano siya pababa ng mga taong ito.

Dagdag niya pa, ito raw umano ang dahilan kung bakit maraming mga tao ang walang ‘confidence’ sa kanilang nga sarili. Imbes daw na maghilahan pababa, bakit hindi nalang umano nila iangat ang isa’t-isa.

“PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS… Dami niyo pang sinasabi!

“Di nalang natin i-angat ang isa’t isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHAHAHAHA,” pahayag pa ni Kiray.

Ayon sa aktres, kung masaya umano ang isang tao sa pagbabahagi nila ng mga bagay na confident ang mga ito, bakit umano ito pipigilan?


Kahit ano pa man iyon, basta’t hindi nakakatapak ng ibang tao ay walang karapatan ang sinuman na diktahan ang isang tao sa dapat nitong gawin.

Ani pa ni Kiray,

“Malaki man o malit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa.

“Kung confident sila, bakit hindi? Kung dun sila masaya, bakit hindi? Hindi nila pinopost yun para mabastos sila. Pinopost nila yun kasi proud sila!”

Kaya naman, imbes na mawalan ng gana dahil sa mga bashers na ito, mayroon pang hirit si Kiray para sa mga taong bumabatikos sa kanya sa madalas na pagpapakita niya ng pwet.

“Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng pwet! Oh eto, MORE PWET PA PARA SAINYO! HAHAHAHAHAHA #PWETSERYE,” matapang pang saad ni Kiray kasabay ng muling pagbabahagi nito ng kanyang mga larawan..