Balitang-balita ngayon ang umano’y lipatan at pangangabilang bakod ng ilan sa mga artista ng ABS-CBN sa gitna ng pakikipaglaban ng network na maigawad muli sa kanila ang kanilang prangkisa.

Karamihan sa mga artistang ito ay nakatakda nang magkaroon ng panibagong proyekto o programa sa ibang network na siyang tuluyang nagpapahiwatig ng tuluyan na nilang paglipat.

Una na ngang naibalita na magkakaroon ng sarili nitong game show sa TV5 ang komedyanteng si Pokwang kasama ng isa ring kapwa nito komedyante galing naman sa GMA. Bago nito, kinumpirma na rin naman ni Pokwang ang kanyang paglipat at, giit pa nito, may basbas umano ito ng ABS-CBN.

Kaugnay nito, isang sikat na artista ng ABS-CBN ang umano’y nagpapahiwatig na rin ng mga senyales sa nakatakda nitong paglipat sa ibang network.


Ayon sa mga ulat, ang Popstar Royalty at magaling na aktres na si Sarah Geronimo ay mayroon na umanong plano na lumipat sa GMA.

Ito ay matapos ang umano’y inilabas na post ni Sarah sa social media kung saan, kasama ng kanyang larawan ay nakalagay rin ang mga logo ng GMA at VIVA.

“Just a business decision, nothing personal. Big announcement soon!,” saad pa nga umano sa naturang post ni Sarah.

Kaya naman, hindi maiwasan na isipin ng marami kung ano ang maaaring kahulugan ng naturang post. Sa mga nangyayari ngayong lipatan ng ilang Kapamillya Stars, hindi umano imposible na maging si Sarah ay maging isa na rin sa mga ito.



Mula pa man noong nagsisimula pa lamang sa Showbiz si Sarah, ang VAA o Viva Artists Agency na ang may hawak sa kanya kaya hindi nakakapagtaka na mailagay sa naturang larawana ang logo ng VIVA. Ngunit, isang malaking tanong umano kung ano ang kaugnayan ng GMA sa anusyong ito ni Sarah.

Gayunpaman, tiwala ang mga taga-suporta ng singer at aktres na kung anuman ang anunsyong ito ni Sarah, para ito sa kanyang ikabubuti. Hihintayin umano nila kung ano itong anunsyo ni Sarah na mayroong malaking epekto sa kanyang career.

Dahil sa nangyaring pagkakabasura ng hinihinging prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso, naapektuhan ng malaki ang kanilang mga empleyado kabilang na ang mga artista.

Kaya naman, hindi rin umano masisisi ang mga ito kung nanaisin ng mga artista na lumipat na lamang ng ibang network upang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay.


Maliban kay Pokwang, kumpirmado na rin umano ang pagkakaroon ng bagong programa ng aktres na si Jessy Mendiola sa TV5. Si Jessy umano ang magiging host ng health show na ‘Fit for Life’.

Ang isa ring Kapamilya na si Ria Atayde ay nakatakda na ring maging host ng programang ‘Rise and Shine’ sa TV5 pa rin kung saan, makakasama niya rin dito si Pokwang.

Bagama’t hindi lilipat ng kabilang network, katuwang ng VIVA ay naglunsad na rin si Vice Ganda ng kanyang sariling digital network. Ang exclusive entertainment website na ito ng komedyante ay tatawaging viceganda.com.

Noong nakarang linggo, inilunsad na ni Vice ang naturang network ngunit, dahil sa dami ng nag-aabang dito ay hindi na kinaya ng kanilang website kaya naman, itinigil muna ito ng komedyante.


Source: mostrendingph