Sa showbiz, bagama’t hindi lantaran ay marami ang diumano’y nagpaayos o nagparetoke ng kanilang mga mukha at katawan . Ngunit, marahil ay dahil sa mga mapanghusgang mata ng lipunan, hindi ipinagmamalaki at kadalasan ay itinatanggi pa ng karamihan sa mga artista ang ginawa nilang pagpapaayos.

Sa kabila nito, mayroon pa rin namang iilan na tahasang inaamin ang ginawa nilang pagpaparetoke. Isa sa mga ito ang sikat na singer na si Angeline Quinto.

Ayon kay Angeline, hindi niya umano maintindihan kung bakit napakalaking isyu para sa publiko na malamang nagparetoke ang isang artista. Para kay Angeline, kailangan daw ito sa kanilang trabaho kaya wala siyang nakikita na masama sa pagpapaayos ng mukha o katawan.

Isa si Angeline sa mga artistang ito na hindi itinanggi o ikinahiya ang ginawa niyang pagpapaayos ng ilang bahagi ng kanyang mukha o katawan.


Sa Instagram, inilabas ni Angeline ang kanyang pahayag o opinyon tungkol sa pagiging malaking bagay umano ng pagpaparetoke sa publiko gayong hindi naman daw ito dapat na ikahiya.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Never ko ikinahiya kung ano ang mga pinagawa ko. At hanggang ngayon, napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho ‘yun at kung may pangbayad naman bakit hindi,” ani pa ni Angeline.


Dagdag pa ng singer, pinaghirapan at pinagtrabahuan umano nila ang perang ipinambabayad dito at hindi lamang basta-basta na hinihingi. Saad pa nito,

“Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao ‘yung IPANGBABAYAD mas pangit ho. #RetokePaMore.”


Wala ring pagdadalawang-isip na isinaad ni Angeline ang mga pagpapaayos na kanyang ginawa.

Dati pa man, isa na sa mga pinakaini-itriga sa singer ay ang pagpapagawa niya umano ng kanyang ilong. Ngunit, pagkaklaro ni Angeline, bagama’t kanya umano itong ikinonsidera, hindi umano ito natuloy. Hindi totoo na ipinaayos niya ang kanyang ilong.

Ayon kay Angeline, sumailalim umano siya sa eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, breast reduction, at glutathione injection. Para kay Angeline, wala umanong dahilan upang ikahiya at itanggi niya ang mga bagay na ito. Pagmamalaki pa nga ni Angeline,

“Proud retokada here.”

Noon paman, sa tuwing natatanong ang singer tungkol sa pagiging retokada o sa ginawa nitong pagpapaayos ng ilang bahagi ng kanyang katawan, hindi kailanman itinanggi ng singer na sumailalim siya sa mga ito.


Sa naging pahayag na ito ni Angeline, umani ito ng suporta sa kanyang mga tagahanga na sang-ayon sa ibig ipaintindi ng singer.

Ayon sa mga ito, hangga’t wala umanong tinatapakang tao ang isang artista kagaya ni Angeline ay wala umanong masama sa ginawa nitong pagpaparetoke. Ikanga raw nila, ‘Your body, your choice’.


Marami rin ang humanga sa aktres dahil sa pagiging totoo umano nito pagdating sa ganitong bagay. Hinangaan din si Angeline dahil sa tapang umano nito na siya umanong minahal sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.

Source: ABS CBN