Emosyonal ang aktres na si Jessy Mendiola habang nililinaw sa kanyang vlog ang tungkol sa kontrobersya hinggil sa kanyang engagement ring matapos lamang nilang ianunsyo ni Luis Manzano ang kanilang engagement sa publiko.

Ito ay matapos ang inilabas na umano’y patutsada ng orihinal daw na gumawa ng singsing kina Jessy. Sa Instagram, ikinadismaya ng Radiant Lux Jewelry na umano’y orihinal na gumawa ng diamond engagement ring ni Jessy ang hindi pagbibigay sa kanila ng ‘credit’ para sa kanilang gawa.

Ayon sa aktres, kaibigan umano nila ang taong mula sa naturang kompanya na gumawa ng kanilang singsing. Ngunit, dahil sa isang pangyayari na ginawa raw sa kanila ng taong ito kaya nagdesisyon si Jessy na ibahin ang setting at disenyo ng kanyang engagement ring sa ibang jeweller.

“First of all, Luis bought the ring or had the ring made last year, September 2019. He bought the diamond from Radiant Lux Jewelry, and nabayaran niya ng buo yung diamond na yun, na andito sa ring na ito...

“Unfortunately, maraming bagay ang nangyari. May 2020, Luis and I went through something to the point na naghiwalay kami. This person from Radiant Lux Jewelry was a good friend of mine. I trusted her, we both trusted her, Luis and I,” pagbabahagi pa ni Jessy.

Ngunit, dumaan umano sa isang pagsubok ang relasyon nila ni Luis nito lamang Mayo na nauwi pa nga sa kanilang hiwalayan. Kaya naman, ang naturang singsing ay nanatili muna sa naturang tao kahit ipinipilit umano nito kay Luis na kunin na lamang ang singsing.

Hanggang sa ipinaalam umano ng taong ito kay Jessy ang tungkol sa singisng na siya namang ikinagulat ng aktres. Sa katunayan, ipinasuot pa umano nito sa kanya ang diamond ring at hindi niya umano maintindihan kung bakit ito ginawa ng naturang tao.


Noong nagkabalikan sila ng TV host, ang naturang singsing pa rin ang ginamit nito sa pagpopropose ngunit, nawala umano kina Jessy ang excitement ng pagpopropose ni Luis dahil nga sa ginawa ng naturang tao. Dagdag kwento pa nga ni Jessy,

“Finally, when nakuha na ni Luis yung ring, don’t get me wrong ha, kaya ko pang patawarin tung taong ito eh because she was my friend nga. But after a few weeks… she started messaging all of my friends, all of my family, saying na I treated her like a doormat, na dapat patawarin ko siya kasi ako ang may kasalanan. 

“Di ko alam kung ano naging kasalanan ko, but if meron man, OK. But do you really have to go this far? Do you really have to do this?”

Kaya naman, upang mabura ang lahat ng mga nangyari, minabuti ni Jessy na ipa-reset ang singsing at disenyo nito at napili nito ang Manila Diamond Studio. Paglilinaw pa ulit ni Jessy, ang singsing umano na gawa ng Radiant Lux Jewelry ay collaboration din naman umano nito sa kanya kaya huwag daw nitong akuin ang buong disenyo.

“Please do not just take the credit on your own. We both designed the ring. Hindi kami nagsalita before kasi ayaw namin manira ng business ng ibang tao. Kahit masakit yung ginawa mo sa amin, we would never, ever want anyone to suffer because of such a little thing, because of a diamond,” mensahe pa ni Jessy sa mga ito.


Source: latestchika