Trending topic kamakailan lang sa social media lalo na sa Twitter ang aktres na si Andrea Brillantes at ang dating PBB housemate na si Karina Bautista dahil sa umano’y pagpaparinigan ng mga ito sa Twitter.

“Once a cheater, always a cheater… Ops bago mag assume , okay po kami haha di yan para sakin,” ang tweet pa nga ni Andrea na nagpaintriga sa marami.

Ayon sa mga netizen, ang tweet na ito ni Andrea ay patungkol umano kay Karina. Sa isa ring tweet, pahayag naman ni Karina,

“love team doesn’t translate to “in a relationship”... u know nothing, one sided maybe”

Hindi naman malinaw kung ano ang nasa likod o ang dahilan ng umano’y pagpaparinigan na ito ng dalawa. Ngunit, mayroong iilan na nagsasabing ito umano ay tungkol sa bagong karelasyon o nalilink na karelasyon daw ngayon ni Karina.

Base sa mga ibinahaging pahayag ng mga netizen bilang sagot sa tweet na ito ni Karina, tungkol umano ito sa bagong nalilink ngayon kay Karina na kasama rin nito dati sa PBB. Kung matatandaan, nagkaroon ng pagkakamabutihan dati sina Karina at kapwa nito housemate na si Aljon Mendoza.

Sa kanilang paglabas ng bahay ay naging magkaloveteam din ang mga ito. Bagama’t hindi kailanman naging opisyal ay mayroon ding nagsasabi na natuloy umano sa isang relasyon ang pagkakaibigan ng dalawa.


Ngunit, hiwalay na umano ngayon ang mga ito at mayroon na raw bagong karelasyon si Karina na malapit nilang kaibigan ni Aljon sa PBB. Hindi naman ito nagustuhan ng maraming mga netizen lalo na ng mga tagasuporta nina Karina at Aljon kaya nakatanggap ito ng mga pambabatikos. 

Maliban dito ay mayroon ding kumakalat na mga larawan umano ni Karina at ng nalilink dito na dati ring PBB housemate na magkasama. Ayon sa mga netizen, bagama’t hindi nito tinukoy ay ito umano ang ibig sabihin ng ibinahaging tweet ni Andrea.

Dagdag pahayag pa nga tungkol dito ng ilan sa mga netizen lalo na ng mga tagasuporta nito dati:

“So ‘yan pananaw mo ngayon? Kasi break na kayo ni Aljon at my Gian ka? Matalino ka pero di mo ginagamit. Sana una palang kinlaro mo kay Aljon ‘yan. Di ‘yung iiwan mo sa ere dahil nakahanap ka ng iba na pupuno sa pagkukulang na gusto o hinahanap mo… Goodluck nalang sayo.”

“Hindi ba ang awkward? Close friend mo ‘yung ex ng bf tapos ‘yung jowa mo bff ng taong gustong gusto ka PBB palang pero totooooo ba??”

“You were known because of your controversial issue about cheating with your ex bf tapos ngayon mas dinagdagan mo pa ang iniisip ng iba sayo parang mas lalo mong pinapatunayan na their judgement about you is true... Nakakadisappoint lang pero syempre its your choice.”


Samantala, bago pa man maging ka-loveteam ni Andrea si ex-PBB housemate Seth Fedellin at mapalapit ito sa kanya ay minsan na rin nitong isinaad noon na pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya ay isa si Karina sa nais niya noon na makatambal.

Sina Karina, Aljon, at Seth ay magkasama o magkabatch PBB Otso. 

Source: facebook