Ilang linggo lamang noon bago matapos ang taong 2020, gumulat sa publiko ang biglaang hiwalayan nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Mahigit isang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon bago maghiwalay ang mga ito.

Ikinagulat ng marami ang tungkol dito dahil bago maibalita ang kanilang hiwalayan, ilang beses pang lumabas sa telebisyon at social media ang mga ito na magkasama gaya na lamang sa kanilang mga vlogs.

Kamakailan lang dinn noon nang magpaunlak ng interview ang dalawa kung saan, napag-usapan pa nga ang tungkol sa posibilidad ng kanilang pagpapakasal at pagtira ng magkasama.

Kaya naman, nang mapansin ng marami na wala na ang mga larawan nila na magkasama sa kanilang social media accounts, agad nagsuspetsa ang mga netizen na hiwalay na ang dalawa. Si Derek ang unang nagkumpirma ng balitang ito matapos niyang makatanggap ng kabi-kabilang pambabatikos at pambabash galing sa mga netizen.

Ayon sa aktor, hiwalay na umano sila ni Andrea ngunit, poprotektahan niya pa rin ito laban sa mga maling balita na kumakalat. Inulan noon ng mga basher si Derek dahil ito ang itinuturo ng mga netizen na dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea. Bagama’t isinaad nito na napakabilis lamang umano ng pangyayari ay hindi nito inihayag ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Samantala, matapos ang kumpirmasyon na ito ng aktor ay naglabas na rin ng sarili nitong pahayag si Andrea kung saan, kinumpirma rin nito ang kanilang hiwalayan. Mas pinili din ni Andrea na huwag magbigay ng detalye at manatiling pribado ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kumpara sa aktres, mas bukas si Derek sa pagsagot sa mga netizen tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Andrea lalo na ang mga hindi tamang akusasyon. Mas tahimik kumpara rito ang Kapuso actress na hindi na muling nagbigay pa ng pahayag tungkol dito.

Ayon naman kay Derek, hindi niya rin umano alam kung bakit tikom ang bibig ni Andrea tungkol sa pagsagot sa ilang mga katanungan sa kanilang relasyon. Wala umano itong alam kung bakit wala umanong reaksyon si Andrea sa mga maling paratang o alegasyon tungkol sa tunay na rason ng pagwawakas ng kanilang relasyon.

Samantala, nakatakda pa sanang magsama sa isang proyekto sina Andrea at Derek ngunit, hindi na umano sigurado kung matutuloy pa ito dahil nga sa nangyari nilang hiwalayan.

Dahil sa pandemya, ipinapaliban muna ang GMA teleserye na ‘Sanggang Dikit’ na pagbibidahan sana nina Andrea at Derek. Ngunit, sa tuluyang hiwalayan ng dalawa, mukhang hindi na talaga umano matutuloy pa ang teleserye.

Aminado umano ang produksyon ng teleserye na malaki ang epekto sa kanila ng hiwalayan nina Derek kaya mukhang hindi na matutuloy pa ang proyekto. Dahil din umano dito kaya sa ibang proyekto na lamang naging bahagi si Andrea. Pangunahing cast ng teleseryeng ‘Legal Wives’ si Andrea kasama ang iba pang artista ng Kapuso Network.


Samantala, bagama’t mayroon umanong ini-offer na mga bagong proyekto kay Derek ay hindi pa umano sigurado ngayon ang aktor kung babalik na ba ito sa trabaho matapos ang malaking epekto sa kanya ng hiwalayan nila ni Andrea.

Source: famousinsider