Kilala ngayon ng marami si Billy Jack Sanchez dahil sa isa nitong viral video kung saan, nakunan ito habang nakikipag-alitan sa mga traffic enforcer matapos itong hulihin dahil walang suot na helmet ang kanyang angkas.

Ang naturang video naman ay tinalakay kamakailan lang ni Erwin Tulfo sa programa nito. Maliban dito, naungkat din ng programa ang isa pang kaso umano ni Sanchez kung saan, minsan na umano itong nahulihan ng ipinagbabawal o ilegal na droga noong taong 2018.

Kaya naman, sa isang video ay inihayag ni Sanchez ang kanyang saloobin tungkol sa muling paghalungkat na ito ni Tulfo ng kanyang nakaraan. Inalmahan nito ang pahayag umano ni Tulfo na gumagamit siya ng ilegal na droga dahil pagdidiin nito, hindi ito totoo at nagbago na siya.

Inihayag nito ang kanyang galit sa mamamahayag na umano’y sinisiraan lamang siya.

“Pinapakita niyo sa mundo na napaksama kong tao kahit na **** ang daming nakakakilala sa akin na nagbago ako, nagtatrabaho ako… at weekends ko kahit day-off ko, humahassle akong magbenta ng tikoy…


“Tapos deserve ko ba ‘to? Eh ang violation ko lang naman noong mga oras na ‘yun, walang violation. Wala akong violation, ang violation ko noon, backride ko. She doesn’t wear her helmet, my girlfriend. Iyon lang! Tapos, deserve ko ‘to? Tapak-tapakan niyong mga nandiyan sa social media na mga sikat… 

“Di kayo makatao lahat, ah. I’m just being me. I’m just being real when I was caught in that camera,”  ani pa nito habang maya’t-maya ang pagmumura.

Pagbabahagi rito ni Sanchez, nagtatrabaho umano itong call center agent sa umaga kaya ganoon ang mga mata niya at maliban pa rito, nagiging personal trainer din umano siya pagkatapos ng trabaho. 

Galit na bwelta pa ulit ni Sanchez kay Tulfo, mayroon din naman umanong kaso ang mga ito. Saad pa nito rito,

“Parang napaka-linis mong tao ka, ah? Tang***** may kaso nga kayong libel dati, sintensyado pa kayo. Bakit… pinagkakalat ko? 

“Iyan ang problema sa inyo, eh. Nasa taas na nga kayo, gusto niyo pang hilahin sa baba ‘yung mga gustong umangat! Bakit, gusto niyo kayo lang nasa taas? T****** niyo, ha? Masyado kayong sakim ha? Parang kukunin ko lahat ng nasa inyo, ha? Papantay lang ako! 

“T***** niyong mga Tulfo kayo. Akala niyo ang lilinis ninyo. May mga kaso din naman kayo, ah? Mga sintensyado pa nga kayo. Cut the cr*p. Wag kayong manira ng mga tao. Let’s just bring back humanity. Nag-iinput kayo ng violence and hatred in each and everyone’s heart!”

Kaya naman, hamon niya ngayon kay Erwin Tulfo na ipa-drug test umano siya nito ng live sa kanyang programa. Maliban dito ay hinahamon niya rin umano si Tulfo ng pataasan sa isang IQ test para mapatunayan niya raw na hindi siya bobo. Isama na rin umano nito ang sabay nilang pagpapa-psychological test ni Tulfo.


Ayon kay Sanchez, kapag siya umano ang nanalo sa mga hinahamon niya kay Tulfo, siya na umano ang uupo sa programa nito bilang ‘Billy Sanchez Sumbongan ng Bayan You Wanna Know Why’.

Panoorin ang buong video dito!