Marami ang naintriga sa isa sa mga pinakabagong larawan na ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto sa Instagram kamakailan lang. Agad lumabas ang mga spekulasyon na boyfriend ng aktres ang kasama nito sa isa niyang larawan sa loob ng sasakyan.

“New baby St. Bernard,” ani pa rito ni Julia na ang maaaring tinutukoy ay ang karga nitong alagang aso.

Kita sa tabi ni Julia ang braso ng isang lalaki na siyang marahil ay nagmamaneho ng kotseng lulan ang aktres. Hindi naman naka-tag sa naturang IG post kung sino ang lalaking ito kaya kanya-kanya nang hula at labasan ng spekulasyon ang mga netizen.

Ani ng karamihan sa mga ito, boyfriend ng aktres ang kasama nitong lalaki sa naturang larawan at ang nangungunang pangalan sa hula ng mga ito ay walang iba kundi ang aktor na si Gerald Anderson.

Taong 2019 pa noong unang ma-link ang dalawa sa isa’t-isa matapos na magsama at magtambal ng mga ito sa isang pelikula na kinunan pa sa ibang bansa. Kontrobersyal ang naging pag-uugnay kina Gerald at Julia dahil si Julia ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ng aktor kay Bea Alonzo.

Samantala, kahit lagpas isang taon na ang lumipas matapos ang kontrobersiya, kahit ilang beses na itanggi nina Julia ang relasyon nila ng aktor ay hindi pa rin ang mga ito tinitigilan ng publiko.


Ito ay dahil sa patuloy na paglabas ng mga umano’y ebidensya tulad na lamang ng mga larawan na nagpapatunay na mayroon ngang relasyon ang mga ito. Minsan, maging ang suot na kwentas ni Julia na may pendant na letrang ‘G’ ay hindi rin pinalagpas ng mga netizen. Ani ng mga ito, sapat na umano ang ilang mga larawan at palatandaan upang makupirma na may relasyon nga sina Julia at Gerald.

Kaya naman, sa bagong larawan na ito na ibinahagi ni Julia, malakas ang hinala ng mga netizen na si Gerald nga talaga ang katabi nito lalo na’t hindi umano malayo ang brasong ito sa ilang mga larawan ng aktor. 

Ani pa nga ilan, sa pagbabahagi umano ni Julia ng larawang ito, baka raw handa na ang aktres naihayag sa wakas sa publiko ang relasyon nila ng aktor o kung sinuman umano na bagong karelasyon nito ngayon. Ikanga nila, baka ‘jowa reveal’ na ang kasunod ng IG post na ito ni Julia.

Kung noon ay pinutakte ng mga pambabatikos ang aktres dahil sa kontrobersyal nitong pagkakaugnay kay Gerald, ngayon ay mukhang suportado na ng iilan ang umano’y relasyon nga nina Gerald at Julia kung totoo man ito.

Heto nga ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen sa IG post na ito ni Julia:

“Hihihi gegegege huli ka balbon. Stay happy.”

“It's obviously G but please don't reveal. Let people guess and wonder. I think a private relationship lasts longer than those in public... bcoz people always feel entitled. Adorable dog. Hope St. Bernard would love Mason too.”

“Open up your relationship na, please… Umamin na kayo mga mars tanggap namin kayo.”


“Happy for the both of you! #JuRald 4ever.”

Source: ABS CBN