Nagbabalik na nga sa showbiz ang aktres na si Ellen Adarna matapos ang biglaan nitong pananahimik at pansamantalang paglayo sa industriya sa loob ng tatlong taon.

Si Ellen ang bagong cover ng preview.ph at dito ay naibahagi ni Ellen ang kanyang pinagdaanan sa loob ng tatlong taong iyon kung saan, kabilang na dito ay ang pagbabahagi niya sa kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Ellen, sa loob ng naturang mga taon ay dumanas siya ng depresyon. Mula sa pagkakaroon ng past-partum depression matapos manganak kay Elias, ang anak nila ni John Lloyd, kasabay din nito ang kanyang pagdadalamhati sa pumanaw na ama. Maliban dito, dumagdaf pa ang paghihiwalay nila ng aktor nang mga panahong iyon kay nagsabay-sabay lahat ang mga emosyon ni Ellen.

“It took two years for me to heal. I really went on a downward spiral. I really lost it. I didn’t know what I was supposed to feel… I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship—tough love, but father pa rin,” pagbabahagi pa ng aktres.

Pagkukuwento pa ni Ellen, ito umano ang problema kaya marahil ay hindi sila nagtagal ni John Lloyd. Saad pa nito, 

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke. up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work.”

Ang paraan kung paano siya mag-isip noon ang marahil ay umano’y dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit, ayon kay Ellen ay maayos na ngayon ang relasyon nito kay John Lloyd.

“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him… 


“Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed. Like his approach to me, my relationship [with him has] changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem,” ani pa nito.

Sa ngayon, masasabi ni Ellen na nasa mas mabuting sitwasyon na siya at nasa mas maayos na ang takbo ng kanyang buhay. Dahil mas maayos na rin ang relasyon niya ngayon kay John Lloyd, maayos din ang kanilang pagco-coparent kay Elias kahit na hiwalay na silang dalawa.

Pagbabahagi pa nga ni Ellen, mabuting ama umano si John Lloyd kay Elias at napakalapit nito sa anak. 

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship, and I see how happy my son is when he is around. So that’s why I also have to work on myself…

“Because when I had my issues with JL, ‘Okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him [it’s] because I had animosity towards [his] father?’ Damay pa yung bata sa mga issues ko,” pagbabahagi pa nito.

May bagong proyekto ngayon si Ellen kaya habang nagtatrabaho ay makakasama umano muna ng kanyang anak si John Lloyd. Ayon kay Ellen, mas maayos na ngayon ang pagdadala niya ng kanyang emosyon kaya mas magaan na rin ngayon ang buhay nito.


Source: PEP