Trending kamakailan lang sa social media lalo na sa Twitter sina Mocha Uson at Robin Padilla na parehong idinadawit sa isang isyu. Ayon sa naturang isyu, nabuntis umano ng aktor si Mocha kaya hindi ngayon madalas na lumalabas ang huli.

Kaya naman, bilang tugon at pagtanggi sa isyu ay naglabas ng kanyang pahayag si Mocha sa Instagram kung saan, nagbahagi rin ito ng isang video nito habang nagwowork-out. Ayon dito kay Mocha, ang naturang tsismis ay wala raw katotohanan at paninira lamang umano dahil hindi maganda ang rating ng kanilang kalabang politiko.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel. Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno…

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na suporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung ano ano paninira ang iniimbento nila,” ani pa rito ni Mocha.


Maliban sa kanya, nagsalita na rin tungkol sa isyu ang misis ni Robin na si Mariel Padilla kung saan, mariin din nitong itinanggi ang isyu. Ayon pa nga dito ni Mariel, wala umanong kaalam-alam sa naturang isyu si Robin na nagdadalamhati pa ngayon dahil sa pagpanaw ng kapatid nito. Kung matatandaan, kamakailan lang ay pumanaw ang kapatid ng aktor na si Royette Padilla.

Kaya naman, pakiusap ni Mariel sa publiko, sana raw ay itigil na ang naturang akusasyon na walang basehan dahil hindi umano ito ang tamang oras para sa mga walang katotohanang isyu sa kanila.

“So many people are sending me messages... “checking” on me. People are tagging me bla bla bla... let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life…

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” ang ani naman ni Mariel tungkol sa isyu.

Ayon sa mga ulat, nagsimula umano ang naturang isyu dahil sa isang blind item na inilabas kamakailan lang. Ang blind item na ito ay tungkol sa umano’y pagbubuntis ng isang kontrobersiyal na ‘female personality’ at ang ama umano nito ay isang aktor.

Ayon dito, ang aktor na nakabuntis umano dito ay malapit sa boss ng kontrobersiyal na female personality. Kaya naman, agad na nagkaroon ng suspetya ang mga netizen na ang tinutukoy umano sa naturang blind item ay sina Mocha at Robin.


Ito umano ay dahil ang pareho ay kilala na tagasuporta ng Pangulo kaya tugma umano sa dalawa ang isinasaad sa naturang blind item. Dahil dito kaya agad na naging trending ang pangalan ng dalawa sa social media lalo na sa Twitter.

Ngunit, gaya nga ng inilabas na pahayag ng dalawang panig na idinadawit dito, walang katotohanan na sila ang tinutukoy sa blind item.

Source: facebook