Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa umano’y hiwalayan ng vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya. Ito ay matapos mapansin ng mga netizen na wala na sa Instagram account ni Rob ang mga larawan nilang dalawa ni Toni na magkasama.

Kaya naman, agad lumabas ang usap-usapan na hiwalay na nga ang dalawa. Mas lumakas pa ang spekulasyong ito matapos ang sunod-sunod na mga post ng dalawa na animo’y tungkol sa pinagdadaanan ng mga ito sa kanilang relasyon.

Minsan ay nagbahagi pa nga si Toni ng isang larawan nito kung saan, ang caption ay ‘official single mom’ na umano ito. Nagbigay din ito ng pahayag kung bakit hindi ito masyadong nakakapagbahagi ng vlog nitong nakaraang mga araw.

“Pasensya na kung matagal tagal wala pa akong vlog medyo magulo ang pasok ng 2021 ko,” ani pa nga nito.

“Kelan ka hihinto?” 

“Fake Love straight up to my face,” pagpapatuloy pa nga ng mga misteryosong pahayag at social media post ni Toni.

Sa guesting nito kamakailan lang sa ‘Bawal Judegemental’ na segment ng Eat Bulaga, marami ang nakapansin na malungkot ang vlogger at kaiba ang awra nito sa madalas ay ipinapakitang sigla ni Toni. Ani ng mga ito, masyado umanong halata na mayroon ngang pinagdaraanan ang vlogger sa personal nitong buhay.


Hanggang sa isang social media post na ibinahagi ni Toni nito lamang ika-anim na araw ng Enero, nilinaw na nito ang ilang araw na ring usap-usapan tungkol sa estado ng relasyon nila ni Rob. 


Dito, ayon kay Toni ay ‘single’ na ito ngayon gaya nga ng kumakalat na spekulasyon sa kanya ng marami. Bagama’t nagawa nitong sagutin na ‘single’ na ito ngayon, mas pinili ng vlogger na huwag ikwento ang dahilan sa likod nito.

“Hello! Bilang bukas na libro yung buhay ko kailangan ko kayo bigyan ng linaw lahat ng tanong nyo… Yes po. Single na po ako.

“Sa ngayon hindi ko para ikwento ang mga dahilan dahil hindi makakatulong sakin. Dahil medyo madaming tao ang sabay sabay nawala sa buhay ko ngayon. Gusto ko lang mag trabaho at mag focus sa sarili ko, kay Tyronia, at sa buong Toro Fam. Sana naiintindihan nyo,” ani pa rito ni Toni.

Malungkot man ay bumuhos pa rin naman ang suporta at mga positibong mensahe para kay Toni na nagpapalakas ng loob nito mula sa kanyang mga fans o tagahanga. Mensahe pa ng mga ito sa vlogger, magpakatatag lamang umano si Toni para sa kanyang anak at pamilya.

Sa kabila nito, marami rin ang umaasa na magkakaayos pa umano sina Toni at Rob at muling magkabalikan lalo na’t kung mahal pa naman ng mga ito ang isa’t-isa.

Heto nga ang ilan pa sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa umano’y hiwalayan nina Toni at Rob:

“Kaya niyo po 'yan, Mommy Toni Fowler. Kinaya niyo nga po nung unang wala siya, ngayon pa kaya. Take care always. Always a fan of yours.”

“Umaasa pa rin kaming magkakaayos kayo ni Rob Moya. Di man ngayon, darating din ang tamang panahon.” 


“Everything happens for a reason. Baka kinailangan na talagang mangyari sa inyo ‘yan. Anyway, cheer up, Mommy Oni.”

Source:facebook