Dahil nga ilang beses na siyang napagkamalan o di kaya ay nasasabihan na kamukha nito ang sikat na vlogger na si Mimiyuuuh, naisipan ng senior college at graduating student na si Ruben Zata Rivera mula Mabalacat, Pampanga na gayahin ang vlogger sa kanyang creative graduation photos.

“So ayun na nga, maraming nagsasabe na kamukha ko daw si mimiyuuuh hahaha kaya naisipan ko na siya ang gawin kong creative shots sa grad pic ko,” ani pa rito ni Rivera.

Sa mga larawan niyang ito, nakasuot pa ng wig si Rivera na kagaya ng buhok ni Mimiyuuh kaya walang duda na kuhang kuha nito ang mukha o itsura ng vlogger. Ginaya pa nito ang ilan sa mga sikat na larawan ni Mimiyuuuh gaya na lamang ng sikat na ‘It Really Hurts’ pose ng vlogger.

Hindi maipagkakaila sa naturang mga larawan na kamukhang-kamukha nga nito ang vlogger kaya naman, agad itong naging viral at umani ng mga positibo at namamanghang opinyon mula sa mga netizen.


Ibinahagi naman ni Rivera ang naturang mga larawan nito noong lamang ika-31 ng Disyembre, 2020, ngunit, ang na-aani nitong mga reaksyon, komento, at mga shares ay libu-libo na. Samantala, nakatakdang magtapos si Rivera sa Mabalacat City College sa darating na ika-28 ng Enero sa isang virtual graduation ceremony.

Sa isa ngang panayam dito ng THE POST PH, ayon kay Rivera ay nais niya rin umano na makapagbigay ng kasiyahan para sa iba gaya ng ginagawa ni Mimiyuuuh. Ani pa nga nito,


“Sobrang nakaka entertain po ‘yung mga videos ni Mimiyuuuh at nakakawala po ng pagod. Dream ko po, ‘yung makabuo po ng welcoming environment para sa lahat. Napaka sarap po sa damdamin sa bawat imahe or video na ipost mo sa social media ay may tao kang napapatawa o napapasaya.”

Samantala, dahil nga sa dami ng mga nagsasabi na kamukha nito ang vlogger kaya ito ang naisipang konsepto ni Rivera sa kanyang mga graduaion creative shots. Naging inspirasyon naman nito sa paggaya ang mga ibinahaging larawan ni Mimiyuuuh sa Instagram.


“Maraming nagsasabi sa akin na kamukha ko raw po si Mimiyuuuh–in December po nagsabi po ang school namin na need po magsend ng graduation picture para raw po sa virtual graduation. Luckily, may contact po ako sa magaling na photographer dito sa Mabalacat City, si Nisan Mendoza of Visual Stories Studio… 

“May kasama raw pong creative shots sa graduation picture package niya kaya sabi ko po na gagayahin ko si Mimiyuuuh. Kaya naghanap po ako ng mga pictures ni Mimiyuuuh sa Instagram para maging inspiration,” pagbabahagi pa ulit nito.

Dagdag ani pa ulit ni Rivera, kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niya raw na makilala sa personal ang vlogger na walang dudang kahawig niya. Mapagbirong ani niya pa nga tungkol dito, 


“Gusto ko pong ma meet ang kambal ko na si Mimiyuuuh dahil simula sanggol ay hindi ko na po siya nakita at wala po akong ala-ala o mga imahe kasama siya… Maraming salamat po kay Mimiyuuuh dahil sa patuloy na pagpapasaya niya at pag s-spread ng good vibes.”


Source: facebook