Malamang ay isa ka rin sa mga nakapanood ng viral video ng rider na kinilalang si Billy Jack Sanchez kung saan, makikita itong nakikipag-alitan sa mga traffic enforcer na humuli dito dahil sa isang violation.

“Wala naman akong violation. I have helmet. ‘Yung backride ko iyong may violation,” ang trending pa na pahayag dito ni Sanchez.

Ang tintukoy niya rito ay ang paghuli daw sa kanya ng mga traffic enforcer dahil walang helmet ang backride nito na kanyang girlfriend. Ngunit, ipinipilit ni Sanchez na wala umano itong paglabag dahil mayroon siyang lisensya at helmet. Ang mayroon daw dapat na violation ay ang kanyang backride.

Dahil naman sa mga pahayag na ito ni Sanchez kaya naging trending ang kuhang ito sa kanya na video ng traffic enforcer. Hindi maiwasan ng marami na matawa na lamang dahil sa kakaiba at hindi umano kapani-paniwalang pagdadahilan dito ni Sanchez.

Ngunit, hindi pala ito ang unang beses na napag-usapan sa social media si Sanchez dahil minsan na rin itong naging trending dahil pa rin sa iba’t-iba nitong mga pahayag at paghahamon sa social media.

Maliban kasi sa pagsasaad na isa itong propesyunal na rider ay minsan na ring pinasok ni Sanchez ang pagiging isang MMA fifgter. Sa katunayan, hinamon pa umano nito dati na makatapat ang aktor na si Baron Geisler at professionla MMA fighter na si Kiko Matos.


Dahil nga dito kaya nagharap si Sanchez at Matos sa isang laban kung saan, napaamo ng huli si Sanchez matapos nitong matalo sa unang round pa lamang ng laban nito kay Matos. Animo’y nawala umano ang yabang ni Sanchez nang agad itong matalo ni Matos sa unang bahagi pa lamang ng kanilang laban.

Gayunpaman, hindi pa rito natatapos ang pagiging MMA fighter umano ni Sanchez dahil ani nito, pangarap lang naman daw niyang makalaban ay si Conor McGregor.

Samantala, iba’t-ibang video rin ang hatid ni Sanchez sa social media lalo na sa YouTube channel nito kung saan, halos lahat na ng konsepto para sa isang video content ay sinubukan na ni Sanchez.

Kadalasan ay nagbabahagi ito ng mga tutorial video gaya na lamang ng pagtuturo umano nito ng mga professional riding techniques. Sa isa pa nitong video, ang paano naman maging isang stuntman ang itinuro ni Sanchez sa kanyang mga manonood. Minsan, nagturo rin ito ng kung paano umano manghiram ng ‘big bike’ sa isang hindi kakilala!

Pati ang pagiging gamer o streamer ay pinasok na rin ni Sanchez kung saan, sa kanyang Facebook Page ay makikita ang paglalaro nito ng Mobile Legend. Pati nga ang pagiging isang food vlogger ay sinubukan na rin ni Sanchez sa kanyang mga vlog.


Syempre, hindi rin pinalagpas ni Sanchez ang pagti-TikTok kaya napapanood din ito dito. Ngunit, ang isa pang bagay na pinasok din ng viral na si Sanchez ay walang iba kundi ang pagiging isa lang naman motivational speaker o coach. Dito, nagbibigay raw ng mga payo si Sanchez tungkol sa iba’t-ibang mga bagay-bagay.

Panoorin ang buong video dito!