Trending at lubusang pinag-usapan kamakailan ang pagganap ng JoshLia sa music video ng kantang ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre. Hindi kasi ito isang ordinaryong MV  lamang kundi animo’y isa na ring closure sa nangyaring hiwalayan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Itinuon pa na eksaktong sa Araw ng mga Puso inilabas ni Moira ang nakakaantig na MV kaya naman, maraming mga netizen ang hindi makapaniwala sa ganda at makatotohanang paglalahad dito ng kwento ng JoshLia.

Sa MV, makikita kung paanong sa simula ay masaya ang mga karakter nina Joshua at Julia ngunit, sa araw ng kanilang kasal ay lumabas na kinailangan nang ipaubaya ni Joshua si Julia sa iba.

Ayon sa mga netizen, mukhang ‘true-to-life’ umano ang naturang eksena kaya hindi maiwasan ng mga ito na maiyak. Mas nagpadagdag pa sa sakit na naramdaman ng mga ito habang pinapanood ang MV ay nang malamang walang sinunod na script o diyalogo ang dalawa at sarili nilang mga linya ang kanilang binitawan.

Humingi ng tawad ang mga ito sa isa’t-isa para sa kanilang mga pagkukulang. Ani ng mga ito, sinubukan naman daw nila ngunit, sadyang naubos at napagod ang mga ito sa huli. Ilan lamang sa mga linyahan rito ng dalawa na tumatak sa mga netizen ay nang humingi ng kapatawaran si Julia kay Joshua. Ani niya rito kay Joshua,

“I’m sorry. I’m sorry, Josh. I’m sorry napagod ako. I’m sorry nawala ako. Binigay ko sa’yo lahat, naubos lang ako.”


Tagos umano sa kanilang mga puso ang linyahang ito ni Julia na animo’y hango sa totoong buhay. Matapos kasi ang hiwalayan ng JoshLia, nabapabalita noon ang pagkakalapit ng loob ni Julia sa naging katambal nito noon sa pelikula na si Gerald.

Kaya naman, hindi rin naiwasan na masama si Gerald sa mga nabanggit ng mga  netizen nang magtrending ang muling pagsasama ng JoshLia. Ayon sa mga netizen, mukhang kay Gerald umano ipinapaubaya ni Joshua si Julia.

Ngunit, mas naging matunog pa ulit ang pangalan dito ni Gerald dahil sa isa nitong Instagram story. Matapos magviral ng ‘Paubaya’ MV, napansin ng mga netizen na mayroon umanong mensahe ang ibinahaging IG story ni Gerald na animo’y sagot niya sa linya ni Julia.

“If you are tired, it’s okay to rest. But don’t quit,” ang saad pa nga ni Gerald sa kanyang IG story.

Ani ng mga netizen, hindi umano malayong ito ang tugon ni Gerald sa viral na linyahan ng napapabalitang girlfriend nito na si Julia. Hindi umano maikakaila na mayroong pagkakatugma sa mga ito.

Bagama’t ilang taon na nang unang maiugnay sa isa’t-isa sina Julia at Gerald, hanggang ngayon ay marami ang naniniwalang mayroon ngang relasyon ang mga ito. Sa mga nakaraang taon, ngayon pinakasigurado ang mga tao na mayroon daw namamagitan sa dalawa.


Gayunpaman, minsan nang inilahad ni Julia na mas gugustuhin nito na magkaroon ng pribadong buhay. Kaya naman, naiintindihan umano ng kanyang mga fans kung gusto nitong isarili lamang ang detalye ng kanyang bagong pag-ibig na sa paniniwala ng marami ay si Gerald.