Patuloy pa rin na iniintriga ng marami ang aktres na si Ellen Adarna tungkol sa umano’y nabubuong relasyon nito sa kapwa aktor at umano’y kanya ring kapitbahay na si Derek Ramsay.

Sa katunayan, kamakailan lang ay magkasama umano ang mga ito sa isang trip kung saan, nakasama rin nina Ellen ang kanyang anak na si Elias. Si Elias ay ang nag-iisang anak ni Ellen sa dati nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz.

Sa Instagram, ilan sa mga larawang madalas niyang ibahagi ay ang mga larawan nito kasama ang kanyang anak. Hindi naman maikakaila ang kagwapuhan ng anak nina Ellen at John Lloyd na habang lumalaki ay mas lumilitaw pa ang kagwapuhan.

Kaya naman, sa trip nito kamakailan lang kasama ang anak, si Derek, at ang iba pa nilang mga kaibigan, ilan sa mga larawang ibinahagi ni Ellen ay ang mga larawan nito kasama ang anak. Dito, agad na pinuri ng mag netizen ang pagiging gwapo at cute ni Elias.

Ngunit, mayroon umanong napansin ang mga netizen sa mga larawang ito ng anak ni Ellen. Ayon sa ilang mga netizen, bagama't hindi maitatanggi ang kagwapuhan ng bata, mukhang hindi umano nila nakikita rito ang itsura ng ama nitong si John Lloyd.

Sa iniwang komento ng mga netizen, kapansin-pansin na karamihan sa mga ito ay binanggit ang umano’y dating karelasyon ni Ellen na si Baste Duterte. Si Baste ay isa sa mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pa man magkaroon ng relasyon si Ellen kay John Lloyd, una nang naibalita noon na nagkaroon umano ng relayon sina Ellen at Baste.


Ayon sa mga netizen, napansin umano nila sa mga larawan na mayroon daw haiwg si Elias kay Baste. Ani ng mga ito, kung titingnan ay hindi umano nagkakalayo ang mukha ng anak ni Ellen kay Baste. Unang napansin umano ng mga ito ay ang mata ni Elias.


Biro pa nga ng iba, bakit daw mukha ni Baste ang nakikita nila sa anak ng aktres at hindi ang mukha ng ama nito na si John Lloyd. Kaya naman, hindi maiwasan ng mga ito na maglabas ng kanilang opinyon na pabiro pang inihayag ng iba.

Heto nga ang ilan sa mga isinaad na komento tungkol dito ng ilang mga netizen:

“Hawig ni Baste ‘yung bata.”

“Kamukha nga. WALANG wala kay John Lloyd??????”

“Eh, bat walang bakas ni John Lloyd?”

“Parang si  Baste Duterte…”

“Lakas ng dugo ni Baste.”

“Look alike ni Baste. Parang hindi JLC ang ama.”

Gayunpaman, agad na ipinatanggol ng ilang mga netizen ang mga walang basehang opinyon na ito patungkol sa kamukha ng bata. Ani ng mga ito, gumagawa lamang raw ng isyu ang mga netizen na alam nilang walang katotohanan. Tungkol naman sa mata ng bata, bilang pagtatanggol sa aktres ay mayroong isang netizen na nagsabing,


“Ellen was singkit before she took eyelid surgery.”

Samantala, bagama’t hiwalay na sina John Lloyd at Ellen ay mayroon namang maayos na relasyon si John Lloyd kay Elias. Minsang pa ngang inilarawan ng aktor ang anak bilang kanyang ‘liitle savior’.

Source: facebook