Kaiba sa ibang mga misis na nalalaman ang pagtataksil ng kanilang mster, kalmado at maays na naipahayag ni Zel ang kanyang saloobin nang isumbong ng isang babae sa programa ni Raffy Tulfo ang kanyang mister na nakabuntis umano rito.

Ayon kay Yvonne Sandoval, nagkaroon umano sila ng relasyon ni P/Cpl Christian Peter Garino Quezon City Police Department (QCPD) Station 7. Dalawang beses lamang umano sila na nagkita nito ngunit, sa dalawang iyon ay mayroong nangyari sa kanila.

Hindi umano siya sinabihan ni Christian na mayroon na pala itong asawa. Ngunit, nang sabihin niya rito ang kanyang pagdadalang tao, inamin umano sa kanya ni Christian na kasal na ito at mayroon nang pamilya.

Dahil dito ay agad umano na hiniwalayan ni Yvonne ang pulis ngunit, gusto niya umano na magbigay ito ng sustento para sa kanilang anak na kanyang ipinagbubuntis. Nagbigay naman umano ng sustento sa kanya si Christian ngunit, tatlong beses lamang ito.

Samantala, aminado naman si Christian na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Yvonne at noong una ay hindi nya ipinaalam dito na hindi na siya binata. Pagbabahagi pa nga nito, wala naman umanong ligawan na naganap sa kanila. 

Kaugnay nito, duda umano siya na anak niya umano ang ipinagbubuntis nito dahil hindi raw ito tugma sa kanyang bilang ng buwan.

Willing naman umano na ipa-DNA test ni Yvonne ang anak pagkalabas nito upang magkaalaman na sa totoo. Ngunit, habang ipinagbubuntis niya ito ay gusto niya na magbigay sa kanya ng sustento ang pulis. Walong buwan na ngayon ang ipinagbubutis na bata ni Yvonne.


Ayon kay Tulfo, hangga’t hindi pa ginagawa ang DNA test sa bata, kailangan umano itong suportahan ni Christian. Kapag lumabas na positibo ang resulta ng DNA, kailangan nitong panindigan ang responsibilidad nito sa kanyang anak.

Ngunit, kapag lumabas na negatibo at hindi niya nga anak ni Christian ang bata gaya ng hinala nito, kailangan umano na ibalik ni Yvonne ang lahat ng pera at mga naibigay rito ni Christian. Sang-ayon naman sa usapang ito ang dalawa.

Samantala, kabilang din sa nakapanayam sa programa ang misis ni Christian na si Zel. Dito, humanga ang maraming mga netizen sa pagiging kalmado umano nito sa pagpapahayag ng kanyang saloobin.

Ayon kay Zel, hindi umano totoo na tinapos na ni Yvonne ang relayon nito sa kanyang asawa dahil panay pa rin daw ang pagcontact niya rito. Sa usapin naman ng sustento, wala umano itong problema sa kanya lalo na’t mapatunayan umano na anak nga talaga ito ng kanyang mister.

Palagi naman umano silang nagbibigay rito ngunit, si Yvonne umano ang panay ang banta sa kanila. Gusto ni Zel na maipa-DNA test ang bata upang malaman ang katotohanan. Gayunpaman, malinaw sa kanya na nagkamali ang kanyang asawa na nagkaroon ng relasyon kay Yvonne.


Hati naman ang opinyon ng mga netizen sa kasong ito. Mayroong iilan na nangsasabing pera lamang umano ang habol ni Yvonne sa pulis. Mayroon namang iilan na bilib kay Zel dahil sa pagiging maintindihan nito sa kabila ng ginawa sa kanya ng asawa nito. Mayroon ding ilan na nagsasabing kailangan umanong panindigan ni Christian ang kanyang ginawa at huwag iasa sa misis ang pagkakaayos ng kanyang problema.

Panoorin ang buong video dito!
.