Isa ka rin ba sa mga lalaki na patagong nagla-like ng mga larawan ng iba’t-ibang mga babae sa Instagram kahit mayroon ka nang karelasyon? Kung oo, dapat mong malaman ang ginawang surpresa ng babaeng ito sa kanyang asawa.

Viral ngayon sa social media lalo na sa TikTok ang ginawang supresa na ito ng isang babae sa kanyang mister nitong Araw ng mga Puso. Masyadong kakaiba ang surpresang ito ng TikTok user sa kanyang asawa na umani rito ng nakakatawang reaksyon.

Tuwing Valentine’s day, kanya-kanyang handa ng supresa ang mga magkasintahan sa isa’t-isa upang mapasaya ang mga ito at maparamdam ang kanilang pagmamahal. Ngunit, kakaiba ang trip ng babaeng ito na animo’y iba ang nais na iparamdam sa kanyang mister.

Bilang regalo sa Vaalentine’s day, inipon at pin-rint lang naman ng babaeng ito ang mga larawan ng mga babaeng madalas umano na i-like ng kanyang asawa sa Instagram. Ibinahagi niya pa rito kung paano niya ginawa ang kanyang regalo.

Sa ibabaw ng isang pulang kahon ay inilagay niya ang lahat ng mga larawang ito ng mga babaeng inilike ng mister. Pabiro niya pa ngang ani, sana raw ay magustuhan ito ng kanyang mister. 


“Since everybody’s sharing what they got for their significant other for Valentine’s day, I thought I’d share mine. So, I got my husband this cute little box, filled it with pictures of all the girl’s photos that he’s been liking on Instagram…

“Hope he likes it!” ani pa nga nito.

Sa kasunod na video na kanyang ibinahagi, pinakita niya rito kung ano ang naging reaksyon ng kanyang asawa sa kanyang kakaibang regalo dito. Noong una ay hindi pa maintindihan ng kanyang mister kung ano ang kanyang regalo.

Kaya naman, nang ipaliwanag niya na ang naturang mga larawan ay ang larawan ng mga babaeng ni-like nito sa Instagram, natawa na lamang ito sa kakaibang trip ng asawa at sinabing nagustuhan niya raw ito. Sa huli, silang dalawa ay pinagtawanan na lamang din ang kanilang biro sa isa’t-isa.

“What the hell is this?” ang ani pa ng kanyang mister noong una bago ito matawa sa asawa.

“I have a sense of humor with my man. I don’t know about y’all but I thought this was the perfect gift. He loved it,” ang ani pa nga ulit ng TikTok user tungkol sa kanyang nakakatawa at mapagbirong regalo sa asawa.


Agad naman na naging viral ang naturang mga video lalo na sa TikkTok kung saan ito umani ng milyon-milyong mga views. Ang naturang mga video ay ibinahagi ng TikTok user na si Gloria na mayroon lang namang mahigit sa 78,000 na mga followers.


Samantala, ang unang video na ibinahagi nito kung saan niya ipinakita ang paggawa ng nasabing regalo ay umani lang naman ng mahigit sa 23 milyong mga views. Ang kasunod na video naman ng reaksyon dito ng kanyang mister ay lumagpas din sa milyon ang mga views na sa kasalukuyan ay nasa mahigit 2.3 milyon na.

Source: gmanetwork