Aliw na aliw at pinagkakatuwaan ngayon ng mga netizen ang viral na video clip na ito sa isang kasal kung saan, animo'y nakalimutan ng mismong groom ang bride nito sa kanyang kasal 

Sa naturang maikling video clip, nasa bahagi na ito ng kasal kung saan kinukuhanan ng larawan ang bride at groom kasama ang kanilang mga abay. Dito, maririnig ang photographer na sinasabihan ang mga ito na magdikitdikit daw. Natural naman na magkatabi sa larawan ang mga ikinakasal ngunit, animo'y nakalimutan ito ng dalawa lalo na ng groom. 

Sa video clip kasi ay makikitang imbes na idikit nito ang mukha sa kanyang bride ay idinikit ng groom ang mukha nito sa katabi niyang brides maid. Agad naman na nabigla dito ang pahotographer at iba pang mga abay na kalaunan ay natawa na lamang din. 

Pabiro naman na tinapik ng kanyang bride ang groom na natawa na lamang din sa kapilyuhan ng kanyang pinakasalan at opisyal nang mister. Naging katatawanan na lamang sa mga ito at sa mga abay ang pangyayari dahil sa nakakatawang pagkakamali ng groom. 


Kaya naman, agad na naging viral ang naturang video clip sa social media. Ilang beses din itong naibahagi ng iba't-ibang mga page dahil talaga namang nakakatawa ang ginawa rito ng groom. Bentang-benta ang viral clip na ito sa mga netizen kaya agad na umani ng kakaibang mga komento ang naturang video mula sa mga ito. 

Ani pa nga ng ilang mga netizen, ang naturang pangyayari ay isa umanong nakakatuwa at nakakatawang ala-ala na pwedeng balik-balikan ng bagong kasal sa kanilang ilang taon na pagsasama. Sa tuwing ipagdiriwang ng mga ito ang kanilang anibersaryo, hindi umano mawawala sa dalawa na balikan ang nakakatawang pangyayari na ito. 

Tunay ngang memorable at hindi makakalimutan ng dalawa ang kanilang kasal na isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanilang buhay at ang simula ng kanilang bagong kabanata. 

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon ay iba't-ibang gimik at pasabog sa kasalan na ang nauuso. Kabilang na nga rito ang paggawa ng prenup photoshoot at pagkakaroon ng same-day edit na video ng kanilang kasal.  Mas pina-espesyal, kakaiba, at bongga na ngayon ang mga kasalan na hindi na lamang isinasagawa sa mga simbahan kundi sa iba't-ibang destinasyon at paraan na rin. 

Gaya na lamang ng kasalang ito na trending kamakailan lang dahil, isinagawa lang naman ito sa loob ng isang pampasahero at lumilipad na eroplano. Habang lumilipad papuntang Boracay ay ikinasal ang mga ito sa loob ng eroplano. Kaya naman, paglapag ng mga ito sa kanilang destinasyon ay opisyal nang kasal ang mga ito. 

Saksi lang naman sa naturang kasalan ang iba pang mga pasahero na namangha sa kakaiba at espesyal na kasalan. Ayon sa ulat, ito umano ang kauna-unahang kasalan na ginanap sa naturang paraan kaya agad itong naging trending at naging inspirasyon sa mga magkarelasyon na nagpaplano na rin ng kanilang kasal. 


Gayunpaman, gaano man kasimple o kabongga ang isang kasal, ang importante pa rin ay ang wagas na pagmamahal sa isa't-isa ng mga ikinakasal at ang paging totoo ng mga ito sa kanilang sinumpaang responsibilidad sa isa't-isa.