Matapos ang sunod-sunod na post na animo’y mayroong pahiwatig tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica, maraming mga netizen ang naghayag ng spekulasyon na umano’y hiwalay na raw ang dalawa.

Ang mga spekulasyong ito ay nagsimula matapos ang sunod sunod na mga pahayag ni Kylie sa kanyang Instagram story na animo’y patungkol sa pinagdadaanan ng kanilang buhay mag-asawa ng aktor.

Minsan ay inihayag rito ni Kylie na “I’m submissive, not stupid.” 

Naging mas misteryoso pa ang mga mensaheng ito ni Kylie nang sundan niya ito ng mga katagang, “More selflove, babygirl.” Ilan pang mga makahulugang quotes ang ibinahagi ulit dito ni Kylie.

Matapos nito, mas lumakas pa ang mga spekulasyon tungkol sa pinagdadaanan ng mag-asawa nang magpost sa Instagram ang aktres nang larawan nito na mayroong makahulugang caption na “free”. Matapos nito ay nagbahagi pa ulit ng larawa ng Kapuso actress kung saan, kitang hindi na nito suot ang kanilang wedding ring.

Maging sa Twitter ay mayroon ding mga misteryosong tweet ang aktres na ikinalungkot ng mga netizen lalo na ang mga tagahanga ng mag-asawa. Ani rito ni Kylie,

“I’ll be okay. I always am. Claim your life not to the standard of society it just gets you in trouble.”

“Sometimes it's so hard to be the better person… but… no there is no but. It's damn hard,” ang pahayag pa ulit ni Kylie sa isang hiwalay na tweet.

Napansin din ng mga netizen na hindi umano kasama ni Kylie ang asawa nang dumalo ito sa idinaos na 40th death day concert ng mga Padilla para sa pumanaw niyang tiyuhin na si Royette. Animo’y burado na rin umano sa Instagram account ng aktres ang ilang mga larawan ni Aljur bagama’t naka-follow pa rin ang mga ito sa isa’t-isa.


Samantala, maging si Aljur ay mayroon ding ibinahaging makahulugang Instagram post kung saan, inihayag nito ang pagbibigay kapayapaan sa kanya ng pagdarasal. Saad pa rito ni Aljur,

“Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me.”

Gayunpaman, ang mga naunang IG post ni Kylie na nagpalakas sa spekulasyon ng mga netizen ay agad na rin nitong binura. Ilang araw matapos kumalat ang balitang hiwalay na ang mag-asawa, nagbahagi si Kylie ng isang larawan kung saan, kuha nito si Aljur kasama ang kanilang mga anak na sina Axl Romeo at Alas Joaquin.

Bagama’t agad din na ini-off ng aktres ang comment section ng naturang post, maraming mga netizen ang nakakuha ng larawan nito kung saan, nakapag-iwan ng komentong mga puso o heart emoji si Aljur. Patuloy pa rin na umaasa ang mga ito na maaayos ang anumang pinagdaraanan ng dalawa.

Bago pumutok ang mga spekulasyong ito tungkol sa kanilang relasyon, kakatapos lamang ng mga ito na ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng kanilang relasyon. Limang taon ang itinagal ng relasyon nina Kylie at Aljur bago maging engaged ang mga ito noong 2017.

Ika-11 naman ng Disyembre noong 2018 nang tuluyang mag-isang dibdib ang dalawa.


Source: INQUIRER