Muling naungkat ang bangayan ng parehong kilalang vloggers na sina Jon Gutierrez na mas kilala bilang King Badger at Toni Flower.

Pagbabalik tanaw ay limang buwan pagkatapos ikinasal sina Jon at Jelai Andres nang malamang nag-cheat si Jon kay Jelai sa parehong babae na noon ay na-link na.

Nagsimula ang kanilang isyu noong 2016 nang ipinubliko ng mag-asawang Jon at Jelai ang kanilang paghihiwalayan at pagkakaroon ng third-party ni Jon ang sinabing dahilan. Ang babaeng tinutukoy na third party ay si Toni Flower.

Nagkaroon ng ugnayan sina Jon at Toni nang pareho silang sumali sa isang group chat sa Facebook noon. Ayon sa mga inilantad ay lumapit umano una si Jon kay Toni via chat at tinuruan umano si Toni kung paano gumamit ng Snapchat. Matapos tinuruan si Toni ay humingi umano ito ng nude photo bilang utang na loob.


Inamin naman ito ni Toni noong 2016 ngunit depensa nito na hindi niya alam sa mga panahong ito na mayroong girlfriend si Jon dahil sa pagkakasabi ni Jon sa kanya na palabas lang daw ang relasyon nito kay Jelai. Sa kasagsagang ito ay umani ng mga batikos si Toni kung kaya ay naibahagi nito na kalaunan ay nagdulot ito ng depression sa kanya.

Makalipas ang ilang mga isyu at mga balita na nagsasabing hiwalay na ang mag-asawa ay muling nagsama naman sila nang sinuyo muli ni Jon si Jelai noong 2020.

Ngunit tila ay nabuhay muli ang isyu noon ni Jon at Toni nang nagkomento si Toni sa bago na namang isyu na hinaharap ngayon ni Jon kung saan may kinalaman pa din ito sa kanyang pambabae.


“Pag di kasali sa issue be quiet po. Ingay ingay mo na naman Jollibee parang dun sa video na sinend mo sa akin! Kung ano ano ine-ebas mo iniyakan mo na naman ako! Oh baka may mag tanggol nanaman na feeling super hero ah! Move on! NEXT!”, pagpaparinig ni Jon kay Toni.



Ngunit hindi naman ito pinalampas ni Toni na sagutin.

“Hindi ako nakikisawsaw pero HAHAHAHA OH DIBA TAMA AKO? Lalabas at lalabas yang pagiging kupal mo HAHAHAH! BUTI NGA  SAYO JUTAY! Lakas ng loob wala namang nabilaukan dyan HAHAHAHA,” sagot ni Toni.

Dagdag pa ni Toni, “Wag ako masyadong maliiting dahil tong Jollibee na to PINANGJAKULAN ng maliit na titi mo HAHAHA! Oo naman umiyak ako dahil sa pagsisisi. Ikaw hanggang kailan ka proud na nanakit ka ng mga babae? PATI SARILI MONG ASAWA PINAPAIYAK MO TANGINA MO DIRETSO KANA SA IMPYERNO! HAHAHAHA.”

Nagmumukhang dinadaan na lamang ni Toni sa tawa ang bangayan nila noon at muling pag-ungkat ng kanilang nakaraan.

“Tandaan wala kang panalo sa babaeng may screenshot HAHAHAHA!!! WAHAHAHAHAHHAA!!!,” paghahamon ni Toni.

“Ok nay un 3M ko napunta sa kotse masaya pa ex ko. TANGINA 3M nagastos sa walang kwentang kasal ULUL PAKYU HAHAHAHAHA!!! Mamatay ka sa inis HAHAHAHHA!!!,” Toni.’



Ang mga pahayag ni Toni ay kasunod ng pagkadawit ng pangalan ni Ysakaela Fujimoto na usap-usapang kabit ni Jon na ngayon lang nabuku at ang pagbubunyag ng beauty vlogger na si Romsy Dineros sa pagkakataong diniskartehan siya ni Jon habang sinusuyo nito si Jelai noong nakaraang taon na makipagbalikan sa kanya.

Hindi naman nagpahuli ang netizens at kanya-kanyang ibinahagi sa social media ang pagsasagutan ni Jon and Toni ngayon.

Source: facebook