“Time na para i-reveal ang mga baho ng mga lalaking yan”. Ito ang isa sa mga linyang sinabi ng babaeng beauty vlogger at influencer na si Romsy Dineros na may kinalaman sa pinag-uusapan at ibinunyag na mga balita tungkol sa panloloko at pambabae umano ng asawa ni Jelai Andres na si Jon Gutierrez sa pangalawang pagkakataon.

Kamakailan lang ay lantad na lantad na sa social media ang isyung pambabae ni Jon o mas kilala bilang King Badger ngunit paulit-ulit naman niya iton itinanggi.

Sa nakaraang araw ay usap-usapan ang pangalan ng isang tiktok content creator na si Ysakaela Fujimoto na umano ay siyang babaeng tinatago ni Jon kay Jelai noong nakaraang taon pa. Kabit kung maituturing. Kung kaya ay hindi napigilan ng pamilya ni Jelai Andres ang maglabas ng kanilang saloobin at galit sa asawa ng kapatid.

Kahapon, Marso 29, 2021 ay inilabas ni Romsy Dineros ang isang video kung saan ninais nitong ibunyag ang mga diskarte ni Jon sa kanya noong nakaraang taon.

Sa naturang video ni Romsy ay ipinakita nito ang screenshots ng kanilang nakaraang taon na pag-uusap ni Jon sa chat. Inihayag ni Romsy na nagsumbong na siya kay Jelai ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano nababasa ni Jelai ang kanyang pagsusumbong.

Ibinunyag ni Romsy na isa siya sa mga babaeng dineskartehan at nilandi noon ni Jon.

“I’ve been thinking about this like kahapon pa. Time na para i-reveal ang mga baho ng mga lalaking yan,” ani ni Romsy.

“So last August 22, 2020 I received a message from Badger na gusto daw niyang magpadala ng damit.I told him na ipa-grab na lang kase nag-iinsist si bakla na pumunta dito at i-deliver personally yung shirt. I received a message on August 24 na pupunta na daw siya para i-deliver ang shirt so I expect na maaga siyang pupunta kase syempre i-dedeliver lang namn yung shirt diba? Ang sabi niya kase i-dedeliver daw niya ng gabi so I expected na mga 8:00 or 7:00 andito na siya. Also that time, August 24, I am with my cousins and friends. Nag-iinuman kami dito sa labas ng bahay naming. So nung dumating siya na-recognize kaagad ng kaibigan ko yung car niya. Follower kasi siya ni Badger,” kuwento ni Romsy.



Dagdag ni Romsy, “Siguro iniisip niyo din bakit ‘di ko sinumbong. Girl that time nag-start na si Badger manuyo kay Jelai.Okay, sige huwag na lang, hintayin natin na lumabas yung baho niya. And then nangyari na nga and I’m not shocked.”

Kasunod ng paglabas ng video ni Romsy ay ang pagre-retweet ni Jelai sa posts ng kapatid nito na si Candy Andres Monroe.

"So iyak si kabet hindi lang siya and sina-side chick…So I've seen the video already, wow ha, nahilo ako dun. Ew.,” sabi sa naging tweets ni Candy na ibinahagi naman ni Jelai.

Ibinunyag ni Jelai na wala siyang kaalam-alam sa usap-usapang bahay ni Jon sa Olympus.

"Ikaw naman kuya may bahay ka pala sa Olympus matagal na. Hindi mo man lang ako na-inform nakapagdala sana ako ng bigas at asin. Pampaswerte sa mga inaaya mo dun. Awit. Keep it up. Di naman machaket,” sarkastikong sabi ni Jelai.

Sa mga sagot at posts ni Jelai sa kanyang social media accounts ay  tila pinapakita nito na hindi na siya magpapakatanga at mananahimik habang siya ay patalikod na niloloko ng paulit-ulit na pinatawad na asawa.


Panoorin ang buong video dito!

Source: kami