Matapang na sinagot ni Alexa Ilacad ang mga mainit na usapan at samu’t saring komento tungkol sa pagpaparetoke ng kanyang ilong.

Ayon sa 21-anyos na aktres, marami na siyang natanggap na mga bad comments sa kanyang Instagram account dahil sa kanyang  naging ‘controversial’ selfie post sa Instagram. 

Agad inulan ng mga komento ang nakita ng mga netizen sa post ni Alexa, agad nakuha ang atensyon ng mga madla nang may nakitang sugat sa kanyang ilong.

Nito lamang April 2, nagpost ang dalaga sa kanyang Instagram stories ng pahayag. Itinanggi niya dito ang mga paratang na ipina-retoke niya ang kanyang ilong. 

Nilinaw naman ni Alexa na kaya may sugat ang kanyang ilong ay dahil sa kinalmot ito ng kanyang pusa. 

““Some of you are soooo funny!! Sending me rude dms coz you think i had a nose job coz of this 'scar' on my nose (as seen in my previous story) sabi ni Alexa.


Sinabi naman ng dalaga na wala namang mali kung gusto mo magpa plastic surgery lalo na pag gusto talaga ng isang tao. 

“You guys have to chill out!! 1st of all, my cat just scratched my nose hahahaha and 2nd, there is nothing wrong with getting plastic surgery if a person wanted to, periodtttt." dagdag pa niya.

May dalawang alagang pets si Alexa. Isang Persian cat na pinangalanan niyang Chill at si Blush na isang Maltese dog.

Sa kabilang banda, marami na ring mga celebrities ang sumubok magpa plastic surgery kagaya nalang nila Vice Ganda, Janine Berdin at Angeline Quinto na ibinahagi ang kanilang physical changes sa publiko. 

Isa sa may pinakamagandang mukha si Alexa sa industriya kaya’t kung ganun nalang din karami ang kanyang proyektong natatangap. 


Bukod sa kanyang magandang mukha, marami na ring mga viewers ang humahanga sa pag arte ng dalagang aktres. 

Naging kontrobersyal rin ang hiwalayan nila ni Nash Aguas nang naging mag-jowa sila ni Mika dela Cruz.