Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang sikat na aktres na si Arci  Muñoz sa kaniyang Instagram post tungkol sa kaniyang relationship reveal nila ni JM de Guzman.

Sabi ng aktres sa caption, masaya raw siya dahil buong pamilya niya ay naging saksi sa pagmamahalan nila ni JM. Makikita sa post ni Arci Muñoz ang video kung saan sinabi ni JM, “Matagal na tayong mag-bestfriend pero… pwede bang manligaw?

Kita sa video kung paano inabutan ni JM si Arci ng bouquet of roses habang nasa beach sila sa Boracay kasama ang pamilya ni Arci. Sinaliwan ang video ng instrumentall ng kantang “Kailan.”

“Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment,” sabi ni Arci sa kanyang post at sinabi doon na “may forever” and “from bestfriends to lovers.”

Ngunit, ang video na ipinakita ni Arci ay isa palang “prank.” Ang ipinakitang video ay parte ng isang proposal sa isa mga kamag-anak ni Arci. 

Ilan sa mga fans nila ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naturang rebelasyon. Akala ng mga fans na totohanan na ang kanilang relasyon.

Naglabasan ang iba’t ibang komento ukol sa ‘prank’ relationship ng dalawa. 


Ilan sa mga komento ng mga fans nila:

“Yung pinakilig kami pero Hopia. Daya ni Arci at JM. ‘kala ko talaga #frombetrfriendstolovers na sila.”


“Kainis kinikilig na ako kay Jm de Guzman at Arci from bestfriends to lovers daw tas ganun umay.”

Matandaang inamin ni Arci sa isa sa mga videos niya na ilang beses na siyang talunan sa larangan ng pag-ibig.

Ang huling naging boyfriend niya ay isang Chinese businessman na si Anthony  Ng at sila ay tumagal ng dalawang taon bago sila naghiwalay noong early 2019. 


Inamin din ni Arci na hindi niya nakikita ang pagkakaroon ng “more than friends relationship” dahil inakala niya si JM ay bading at gusto siyang magfocus muna siya sa kanyang pag-aaral bago pumasok sa isang panibagong relasyon. 

Source: INQUIRER