Sa recent vlog ng isang sikat na dermatologist, ibinahagi niya ang kaniyang jail experience at muling naalala niya kung paano siya pinakulong ng isang Makati mayor dahil sa pagiging pakialamera.

Kilala si Dra. Vicki Belo bilang isang sikat na dermatologist sa bansa maging kilala rin siya sa iba pang mga karatig bansa. Sa isang Lie Detector Challenge sa ginawa niyang vlog kasama ang kaniyang asawa na si Dr. Hyden Kho tinanong na kung siya ba ay tumakbo mula sa kamay ng mga police na siyang itinanggi naman ng Doctora.

Sinabi ni Dr. Hayden Kho sa vlog in joking manner na sinungaling daw si Dra, Vicki Belo dahil alam niyang ito ay nakulong noon. “Hindi ako tumakbo, nakulong nga eh,” yan ang patawang sagot ni Dra. Vicki Belo.

“So dati may Mayor, hindi ko na sasabihin kung sino sa Makati, tapos ‘yung driver ko nag da-drive ng car, kasi may sirang kotse dito, kumaliwa. So ang dami namin nag tu-turn eh galing ‘yung mayor na ‘yun sa kabilang side. So nagalit siya kasi bina-block ng mga tao ‘yung way,” sinabi ni Vicki sa vlog.

Sabi ni Vicki, “So pinapunta niya lahat ng bodyguard sa lahat ng kotse para dalhin lahat ng mga drivers sa jail.”

“Though she wasn’t behind the wheel, the doctor got out of the car and tried to defend the drivers. Eh ako naman passenger lang po ako, pero pakialamera. So sabi ko ‘This is not right! You know, wala naman silang ginawa and I need to talk to my lawyer, I need to ask him if this is right,'” dagdag pa niya. 


Dahil daw sa pangyayaring iyon, sinabi ng mayor na ikulong din siya. Sinabi ni Vicki na nag-enjoy siya sa nangyari bilang bagong experience pero natakot siya noong makalipas na ang 10 araw nasa kulungan pa rin siya. 

Tinanong ni Vicki kung kailan siya palalabasin pero sinabihan siya na kapag naalala raw ni mayor. Walang choice si Vicki kundi manatili muna sa kulungan at iminungkahi pa niya na wala pang cellphone noon. 

Ang insidenteng iyon ay matagal nang nagyari ngunit hindi pa rin ito makalimutan ng celebrity dermatologist na nakulong siya dahil sa pagiging pakialamera.

Ang nasabing jail experience ni Dra. Vicki Belo ay tunay na hindi niya malilimutan, bagong experience na thrilled and exciting na medyo nakakatakot. 

Sa kabilang banda, sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag usbong ng Belo Medical Group. Sa isang Week’s Launch of Belo Medical Group Newest Face sinabi ni Manila mayor, Isko Moreno, na patunay talaga siya na maganda ang BMG matapos ang Thermage FLX pinch test.


Si Dra. Vicki Belo ay isang Filipina dermatologist and television personality. Siya ay founder, CEO at Medical Director ng Belo Medical group na patuloy pa rin ang pagsikat nito ngayon.

Panoorin ang buong video dito!