Nasubukan mo na bang nagkaroon ng aberya sa gitna ng iyong pagbibiyahe? Isang post na naman ang nag viral sa facebook na ipinakita ang photo ng isang netizen ang gulong ng kanyang sasakyan na na-flat matapos masagasaan ang isang pustiso.

Normal lang naman karamihan sa mga car owners na maranasan ang ma-flatan ng gulong. Ito ay maaaring dahil sa mga screws, pako o di kaya’y mga broken glasses.

Ngunit kakaiba ang naging dahilan sa pagka-flat ng gulong ng isang netizen na nag post sa Facebook. 

Hindi niya aakalain na ang dahilan ng pagka flat ng kanyang gulong ay isang denture o pustiso.

Ayon sa isang isang Bayan Patroller na si Leo Padilla-Ricarte ng Barangay Sta. Elena, Iligan City, Lanao del Norte, nang makita niya ang pustiso sa guloy ay medyo naguluhan siya.

Patawa pa niyang sinabi sa social media na kung sino an ang may-ari ng pustiso na nakabutas sa kanyang goma, pm lang daw sa kanya para maisuli niya ang dentures.


“PANAWAGAN: Kung kinsa man ning postiso ni buslot sako ligid, pm lang pls kay ako iuli,” sabi ng may ari ng kotse.

“NOTED: Wala nako naligsi ang tag-iya ha...simbako!,” dagdag pa niya.

Hindi makapaniwala ang may-ari na pustiso talaga ang dahilan ng pagka-flat ng kanyang gulong at sa laki ng butas nito kailangan pa niyang palitan ang kanyang goma. 

Marami namang mga netizens ang natawa sa post ng may-ari at binaha agad ng mga komento.

“Ang gulong made in China. Ang pustiso made in USA.”

“Baka puro pangil yung pustiso.”

“Nagutom yung ngipin sa ka aantay ng ayuda kaya pati yung goma pinatulan.”

Sa kabilang banda, inulan din ng maraming mga negatibong komento ang kanyang post. May iba na hindi naniniwala na totoo ang nasa post na ipinakita ng may-ari.

“Mema lang scripted dami naman naniwala agad, isipin nyo nga mabuti”

“Hindi ako naniwala kung na gulongan. Bakit sa gilid ang tama. Mga kalokohan.”

“Butas? Bakit hindi naflat ang gulong sa pirure?”

“Scripted yan ng may-ari ng kotse, para maging viral. Kinabit bago picturan.”

Sa updated post naman ng may-ari ipinanawagan niya kung sino ang may-ari ng dentures. Kailangan niya magpakita dahil marami na ang nagtanong sa kanya kung ano ang brand ng pustiso.


Panoorin ang buong video dito!