Ilang linggo na nang may isang pangalan ng babaeng tiktok content creator ang nadawit sa kontrobersyal na alegasyong muling panloloko ni Jon Gutierrez a.k.a. King Badger kay Jelai Andres. Ang tinutukoy na babaeng ito ay ang 20-anyos na si Yskaela Fujimoto. Ngunit hindi ito kinumpirma sa kahit sino nina Jelai at Jon na siya nga ang dahilan ng paghihiwalayang muli ng mag-asawa.

Marami ang nagbigay ng reaksyon sa bali-balitang pambabae ni Jon kagaya nina Toni Flower at kapamilya ni Jelai ngunit ang inaabangan ng naosyosong netizen ay kung sino nga ba ang third party ng relasyong Jelai at Jon.

Ngayon ibang pangalan na naman ng babae ang usap-usapang kabit kung maituring ni Jon. Ayon sa netizens na si Yumi Garcia na isang tiktoker din ang siyang babaeng pinagtatakpan ni Jon kung kaya  sa kasalukuyan ay top trending sa twitter sina Yumi, Jon at Jelai.

Kanya-kanya naman na naghanap ang netizens ng mga ebidensyang magpapatunay na si Yumi nga ang pinariringgan ngayon ni Jelai sa social media. Isa sa mga ebidensya ay ang isang magkahiwalay na litrato ni Jon at Yumi kung saan mapapansin na terno sila ng hikaw na krus sa tenga. Bukod dito ay napansin naman ng netizens ang isang tweet ni Yumi na ni-retweet ni Jelai.

“Bakit kaya ganun karamihan lang ha pansin ko tuwing nahuhuli na yung kabit o 3rd party biglang nagiging tomboy kuno. Coincidence ba this? Laging ganon,” sabi ni Yumi sa naturang tweet.

Hindi naman nanahimik si Jelai at nag-reply ito kay Yumi.

“Nakailang experience nako ng ganyan awit true yan! Okay nakailan nga? Ok tanga nako sige na unahan kona kayo,” sagot ni Jelai.

Umani ng batikos si Yumi sa naging post nito.


“hahahahahaha oo nga tomboy kuno pero kumakabit pala oopzz,” ani ng nag-aabang na netizens.


Hindi man diritsahang ibinunyag ni Jelai ang pangalan ng third-party ay nagparinig naman ito sa kanyang tweet na siyang nagbigay ng ideya ng netizens kung sino ang pinariringgan nito.

“GohooddYumi morning specially sa mga Kabitenyas! I’ll see you soon! Sa mga taga Cavite taas kamay,” sarkastikong ani ni Jelai.

Ibinahagi naman ng isang netizen , @Desley  na nag-reply kay Jelai sa kanyang hinahala.

“Sa nanonood ng vlogs nila sure ako kilala nyo yung may-ari ng bag sa taas ng cabinet!!! Sabay pa nag new year amputs!!!,” pagbabahagi ni Desley na sinamahan pa niya ng selfie ni Yumi.

Mabilis na pinaghambing ng netizens ang naturang selfie kung saan may nakikitang bag sa likuran ni Yumi na kasing tulad ng bag ni Jelai.

Nadiskubre rin sa hiwalay na mga litrato ni Jon at Yumi na nakasuot sila ng parehong shirts.

“Nagcomment ako sa recent video nya sa tiktok na sya yung kabet ni badger tas binlock ako dikona makita mga videos nya hahaha,” sabi ni @Yurisheena sa twitter.

Nagpasalamat si Jelai sa netizens na nagbigay sa kanya ng ebidensya. Ayon kay Jelai na maraming ebidensiya ang pinarating sa kanya kabilang na dun ang mga isinumbong ng mga kaibigan mismo ni Yumi.

“Hindi na kailangan mag salita ni Jelai! Mga tao na at mga nakapaligid sayo kaibigan mo nag laglag sayo! Tama hindi dapat tinotolerate ang kaibigang basurang kabit. Nakakaawa si miloves grabe. Nagkabalikan na pala nung lock in taping eh. Haysst push din kasi si kabit. Salute sa mga kaibigang naawa sa asawa. Sure ako madaming evidence ang asawa hindi lang nilalabas. Kasi hindi naman ganun si Jelai. Swerte pa din kayo!,” pahayag ng isang Christine Castro sa Facebook.

Sunod-sunod na nagsilabasan naman ang mga ebidensyang pumapanig kay Jelai.

Sadyang may katotohanan ang kasabihang walang usok na maitatago. Minsan matatagalan pa bago malaman ang katotohanan pero sa huli lalabas at lalabas kung ano ang totoo.


Panoorin ang buong video dito!