Nagsalita ang isa sa mga hosts ng It’s Showtime na hindi muna siya mapapanood sa noontime show kapag bumalik na ito sa live airing dahil may iba pa siyang dapat i-priority. 

Bago pa muling idineklara ang ECQ, nauna nang sinuspinde ng ABS-CBN ang live staging ng It’s Showtime para sa pagsunod sa striktong health safety protocols at dahil na rin sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Si Jhong Hilario ay isa sa mga main hosts ng It’s Showtime ng ABS-CBN  na isa rin sa mga naapektuhan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad mula National Capital region (NCR) at sa mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal. 

Isang It’s Showtime insider ang nagsabing babalik agad ang kanilang live show kapag isinailalim na ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). 

Sinabi ni Jhong na malaki ang posibilidad na hindi muna siya makakabalik sa It’s Showtime dahil mas bibigyan muna niya ng oras ang kanyang asawa at bagong silang nila na anak. 


Mas pinagtutuunang pansin muna ni Jhong ang kanyang asawa at ang kanilang bagong silang na anak. Iniintindi niya ang kalusugan at kapakanan ng kanyang mag-ina. Ito ang ugat ng kanyang pansamantalang paglisan sa It’s Showtime. 

Matandaan noong nakaraang buwan lang ay nag post si Jhong sa kanyang Instagram ng isang larawan sa bagong silang nilang anak ng kanyang asawa na si Maia Azores.

“Hello my LOVE!!!,” caption ni Jhong sa kanyang post sa Instagram.

Agad naman nagparting ng kanilang mga comments ang kanyang mga co-hosts na sila Vice Ganda, Amy Perez, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.

“Yeheeeeeeeeeeyyyy!!!! CONGRATULATIONS!!! Super kyooot ni bagets! Nakasmile sya,” sabi  ni Vice Ganda.

Sa isang interview inamin din ni Jhong na may mga ‘apprehensions’ sa pagiging ama sa gitna ng pandemic. “Lahat naman, kahit sino, kahit saan ka magpunta, talagang delikado,” sabi ni Jhong. 

Kasama rin si Jhong sa isang singing and impersonation competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Season 3 na nag-ere noong February 20,2021. 

Laking pasasalamat naman ni Jhong sa kanyang mga career opportunities sa tulong ng kanyang home network, lalong lalo na sa sa pagtulong sa kanya na mag-grow sa industriya at sa kakayahan na mag provide para sa kanyang pamilya..


Si Jhong o kilala sa tunay na buhay bilang Virgilio Viernes Hilario Jr. ay isang dancer, aktor at politician Unang nakilala sa isang dance group na Streetboys.

Source: PEP