Usap-usapan ngayon sa social media ang pagte-test ng response ni Yam Concepcion sa mga netizen  tungkol sa co-star na si Gerald Anderson sa kanilang upcoming series  na “Init sa Magdamag.”

Si Yam Concepcion, 32, ay nagsalita tungkol sa kanyang experience kay Anderson bilang leading actor sa upcoming series ng ABS-CBN sa virtual launch noong Monday.

Tinanong ang kanyang reaksyon tungkol sa mga nagsisilabasang mga komento tungkol sa viral scenes at preview ng “Init sa Magdamag.”

“Nababasa ko ‘yung mga comments. Nakakatawa at nakakatuwa na makita yung reaction nila. Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, “O Yam, magi-ingat ka kay Gerald, ah!” Iyon yung mga nabasa ko”, patawang sinabi ni Yam.

“Honestly, hindi ko naman kailangan mag-ingat.” Siyempre nakikita nila sa TV, sinasabi nila, “Naku, matinik sa babae si ‘yan! Hindi loyal. Hindi, e. ‘Pag trabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman. Hindi niya pinaramdam sa akin na may mali siya.”

“It’s just purely work.” Despite being purely work, naparamdam niya sa akin ‘yung emosyon na totoo. I still felt his honesty bilang si Tupe, ‘yung character niys, “dagdag ni Yam.

Inamin naman ng dalawa na may “awkwardness” nung una silang nag fil sa mga intimate scenes nila sa “Init sa Magdamag.”


“Hindi pa kami ganoon ka-close. Nandoon pa ‘yung ilangan. Kinailangan naming na magkaroon ng 30 minutes with each other to get to know each other. May ganoon kami, kasi nakita nila na naiilang kami sa isa’t isa,” she said, referring to instructions given to them by their director at the time.

“Eventually, naging natural na lang ‘yung chemistry naming dalawa and we got comfortable with each other. Nakuha namin ‘yung trust ng isa’t isa. Kasi hindi naman ‘yan biglaan, hindi naman ‘yan isang araw lang, you trust the person already. It takes a while to trust even your directors, even your co-actors,” sabi ni Yam.

Namention din ni Gerald na ‘yung scene na ‘he stripped to his underwear’ (sa karakter ni Tupe) sa harap ni Yam (sa karakter ni Rita) and ‘yung mga intimate moments nila sa waterfalls na parehong makikita sa preview-- ginawa nila sa first cycle ng produksiyon.

“It was a challenge kasi wala kaming pinagsamahan. We’d never had a conversation,” sabi ni Gerald.

Hanga rin si Gerald sa ipinakitang dedikasyon ni Yam sa kaniyang pagganap sa karakter at nakatulong daw ito sa proseso ng pag build ng kanilang rapport.“Gusto ni Yam ‘yung ginagawa niya, e. She’s very passionate sa trabaho niya. She’s very professional. 'Pag ganoon ‘yung kasama mo, hindi siya mahirap,” sabi n Gerald.


Ang “Init sa Magdamag” ay produksiyong ng Star Creative at itinakdang ipapalabas sa April 19 na available sa siyam na platforms; Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV and iflix.

Source: ABS CBN