Mainit init pa ngayon ang usapan sa social media sa isang kilalang basketball player na si Jio Jalalon sa PBA Magnolia Hotshots tungkol sa ‘controversial Facebook stories’ ng kanyang asawa laban sa kanya.

Kumalat ang screenshots ng umano’y Facebook stories ng kanyang asawa na si Kristina Jalalon ang pambubuking sa kanyang asawa na si Jio Jalalon. 

“Ijudge nyo ko sa post ko wala akong pakialam!! Wala akong pakialam kahit sikat yang idol nyo kaya lumalaki ulo nyan,” sabi ni Kristina sa kanyang Facebook story. 

“Kala lahat ng babae makukuha niya. Nahuli na nga, ako pa pagbubuhatan ng kamay. Lol. Pag nahuhuli nga naman siya pa galit,” dagdag ni Kristina. 


Sinabi pa ng kanyang asawa na napakasweet sa ibang babae pero pagdating sa kanya puro pagkukulang. Dagdag pa niya, nakakapagod manahimik at traumang trauma na siya sa lahat ng mga panloloko. 

“Huling huli na ‘to. Nag-evolve ka na. Madasalin ka na, ‘kala mo nagbago na talaga. Gusto mo pa mag Christian ano, pati si Lord lolokohin mo din? Napaniwala at napaasa mo na naman ako na magbago manlolokong katulad mo!!”

Nagpost din si Kristina ng screenshot sa isa sa mga conversation sa sinasabing babae ni Jio Jalalon na nagpapakita na tinatagong relasyon talaga ang dalawa. At sabi pa ni Kristina, ito yung araw na late umuwi ang kanyang asawa at amoy alak pa. 


“Madaling araw ka na umuwi. Valentines na, anong regalo mo sa akin? Binarumbado mo naman ako. Ako na naman pinagmukha mong may kasalanan.”



Sinasabi mo lagi ako nanghihinala sa’yo. Pinagmumukha mo ako laging kawawa HAHAHA, ‘yun pala may gustong kitain sa Timog. Samantalang ako di mai-date sa labas,” post ni Kristina sa kanyang story. 

Ibinahagi din ni Kristina na sobrang sakit na ang mga panloloko ng kanyang asawa sa kanya at lagi nalang siya nagmamakaawa. Inalala niya ang mga anak nila dahil maliit pa lamang sila. 

Kristina: “Napakawalang puso! Buong pamilya lang hinihiling ko, di pa maibigay. Kailangan ko pa ipagmakaawa . Pag nahuli mo, ikaw pa magmamalakihan na sayo na mga anak mo. Maghiwalay na tayo.”

“Kala mo hindi niya anak HAHAHA! Sana nga naiintindihan ka ng mga anak ko, paano mo sila ganyanin! Grabe yung trauma ko para na akong mababaliw. Napakahirap!,” isa pang post ni Kristina sa kanyang story. 





Dagdag pa ni Kristina, gumawa pa raw ng bagong account ang kanyang asawa. Sinabi ni Kristina na pinaalalahanan niya na huwag magpauto ang mga babae. Pinost din niya ang number ng kanyang asawa para maging aware ang iba pang babae na naging biktima at magiging biktima pa nito. 

Source: facebook