Trending na trending ngayon ang isang sikat na aktor at ang kanyang partner matapos kumalat ang kanyang videong napaaway sa daan matapos mabangga. 

Marami ng mga aksidenteng naganap sa daan. May iba na kalma lang at may iba rin naman na napaaway pa umano sa mismong ka engkwentro nito. Maraming mga kumakalat na post na rin sa social media ng mga pangyayaring kagaya nito.

Kalimitan sa mga drivers ay hindi mapigilan ilabas ang init ng ulo lalong lalo na pag nakakita ito ng away. Hindi maipagkakaila ang mga laganap na isyung ito. Maaaring away trapiko, banggaan o di kaya’y gitgitan.

Kakalabas lang ng balita na aktong nakuhanan ng video ang isang aktor na galit na galit umano ito matapos mabangga sa daan. May netizen na nakapag report na sangkot si Polo Ravales kasama ang kanyang girlfriend sa isang ‘road rage incident noong Abril 21.

Makikita sa video na nakipag-away si Polo sa isang lalaki na sinasabing sangkot din sa nangyaring aksidente, Miyerkules ng hapon.

Sabi ng lalaki na nakaaway ni Polo, naging maangas daw sa kanya si Polo at ang kasamang buntis na non-showbiz girlfriend na si Paulyn Quiza. Kita rin sa video na tinanong ng aktor ang driver kung ano nga ba ang gusto nito.


Makikita sa video na nakipagtalo si Polo sa grupo ng mga kalalakihan dahil umano sa gitgitan na siyang dahilan ng away trapiko. 

Kita rin sa video ang paglabas ni Paulyn at Polo sa kanilang sasakyan para awayin ang driver ng nakabangga nila. Sinabi ng lalaki na sila Polo ang nang gitgit at nangharang sa kanila.


"Pare, na sa tamang lane ako eh," sabi ni Polo pero sa halip na makapag explain ang driver, palagi niyang sinasabi na, "Mainit siya eh, mainit siya.

Pare, hindi ako mainit." Polo said. "Ano ba ang gusto mo? Nang-ano ka eh," sagot ng lalaki kay Polo habang in-insist ni Polo na ipaliwanag ang buong pangyayari. 

Sa puntong ito, hindi din napigilan ng kanyang buntis na girlfriend na makisali sa nasabing alitan ng kanyang nobyo at ng isang kotse na may sakay na grupo ng mga kalalakihan. “Hindi kami mali. Ako nasa harap, driver din ako. Anong sinasabi mong walang problema?”

Agad naman sumagot ang lalaki na parang nainis na rin sa kung paano umasta ang dalawa. "Kayo yung nagbaba ng bintana, ang angas niyo!" 

“Kayo ng matapang. Kayo nang gitgit. Nakabidyo kayo, eh kayo nangharang samin,” dagdag ng lalaki. Nagsimula nang uminit ang dalawa na siyang nagresulta sa pag-aaway.

Maraming mga netizen ang nakapanood ng ‘road rage incident’ sa BF Resort, Las Pinas City.

Si Polo Ravales o kilala sa tunay na buhay bilang si Paul Patrick Rodil Gruenberg ay isang aktor producer at model. Marami na ring mga pelikula na sumikat si Polo Ravales sa mga kilalang pelikula sa GMA.

Ilan sa mga pelikulang sumikat siya ay ang Walang Kawala, Encantadia at Maging Akin Ka Lamang.


Si Polo ay nabalitaang engage na kay Paulyn Quiza, isang fitness coach at Managing Director sa kanilang International Manpower family business. 

Panoorin ang buong video dito!