Naging usap-usapan ngayon ang ginawang pag approve ng ‘proud dad’ na si Zoren Legaspi para sa team-up ng kanyang anak na si Cassy at Joaquin Domagoso. 

Parehong si Cassy at Joaquin ay isa sa mga casts ng First Yaya sa GMA. Gumaganap siya rito bilang si Nina Acosta, ang pinakamatandang anak ni President Glenn na ginagampanan ni Gabby Concepcion. 

Ayon sa dalagang aktres, overwhelmed siya sa ipinapakitang suporta ng publiko sa kanya.

“Nakakakilig po and ayun nga I'm always trending din sa Twitter which is so weird and so cool.

"Every weeknight nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same, I'm so motivated to go back to work hopefully soon,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Ayon kay Zoren, nakikita daw niya ang chemistry ng dalawa at napapangiti kapag nakikita ang school’s scenes.

Isiniwalat ni Zoren sa publiko na approve siya sa team-up sa anak niyang si Cassy Legaspi at  Joaquin Domagoso, anak ni Isko Moreno.


“May chemistry sila, in fairness. To think pareho silang new-comer pero nung pinapanood ko yung mga school scenes nila, in fairness napapa-smile ako.”

Para kay Joaquin okay siya sa team up nilang dalawa dahil approve na si Carmina at Zoren. 

Nagpost ng larawan si Joaquin ng mga photos nila ni Cassy sa set nila at gaya ng sinabi ni Zoren na nagkamabutihan na ang dalawa.

Ibinahagi rin ni Cassy na muntik na siyang di payagan ng kanyang mga magulang na sumabak sa lock-in taping dahil iyon ang unang beses na malayo siya sa kanyang mga magulang. 

Ayon naman kay Zoren, bahagi na ng family bonding nila gabi-gabi ang manood ng “First Yaya” at nagbibigay din umano siya ng pointers sa anak tungkol sa pag-arte.

Gaya ng iba pang celebrities, si Carmina, Zoren, Mavy at Cassy Legaspi ay pinasok na ang mundo ng showbiz. 


Source: KAMI