Naging usap-usapan ang naging memorable remarks ng isang batikang aktres na nag guest sa ABS-CBN show na Magandang Buhay para sa isang aktor na si Gerald Anderson.

Sa programang Magandang Buhay, tinanong ang aktres na si Janice de Belen kung saan guest siya sa nasabing programa tungkol kay Gerald Anderson. Tinanong siya kung ikukumpara niya si Gerald sa isang pagkain ano ang pwedeng pagkain na maikukumpara niya si Gerald.

Sinabi ng aktres na maikukumpara si Gerald Anderson sa isang “bangus.” Ipinaliwanag naman ng aktres kung bakit bangus ang kanyang napiling pagkain na maihahalintulad kay Gerald.

Ayon sa aktres, si Gerald ay may pagka matinik na parang bangus na may maraming isyu na kinasasangkutan. Tulad ng bangus na matinik, ganyan din ang pananaw ni Janice de Belen sa aktor.

Natuwa naman ang mga hosts na sila Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco sa naging sagot ng aktres. Agad naman niya ipinaliwanag nang mabuti sa mga hosts.

“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik,” naging paliwanag ni Janice de Belen sa kanyang sagot. 

Matatandaang na-link si Janice de Belen sa aktor noong 2015 sa panahong naghiwalay na sila Maja Salvador at ang aktor. Sinagot naman ng aktres ang mga kumakalat na rumors sa kanyang pagkaka-link kay Gerald.


Nilinaw niya na walang katotohanan ang lahat ng mga tsismis at mga usapan na yan. Sinabi niya na si Gerald Anderson ay para lamang niyang kapatid. Dagdag pa niya, sanay na raw siya ng ganito gaya na lang ng pakikitungo niya sa iba pang aktor na sina Enchong Dee at rayver Cruz. 

Si Catherine Janice Yap de Belen o mas kilala bilang Janice de Belen ay isang commercial model, at television host sa parehong network ng ABS-CBN at GMA Network contract artist. Kilala din siya sa pagiging 80’s Teen Drama Princess.

Sa relasyong Maja at Gerald, may umuugong din na isyu nang nagkaroon sila ng relasyon ang dalawa pagkatapos naging sila ni Kim Chiu na matalik na kaibigan ni Maja.

Mainit init pa rin ang isyu ngayon sa hiwalayan nila ng isang sikat na aktres na si Bea Alonzo. Marami ang naging espekulasyon sa naging dahilan ng kanilang break up. Sinasabi ng marami na mayroong third party na naganap loob ng kanilang hiwalayan.

Sa isang recent bold interview din ng aktres na si Bea Alonzo sa MEGA Entertainment, matapat niyang sinabi ang lahat ng mga takeaways at ang kanyang mga natutunan sa pakikipagrelasyon niya kay Gerald. 


Sa kasalukuyan, makikitang masaya na ang aktor sa kanyang bagong relasyon kay Julia Barretto. Kumakat din sa social media ang pag sorpresa ni Julia sa kanyang boyfriend para sa kanyang kaarawan. 

Sa recent interview rin ng aktor ni Toni Gonzaga, inamin din ng aktor na ibang kaligayahan daw ang bigay ng kanyang bagong girlfriend ngayon na si Julia Barretto. Inamin ng aktor na iba si Julia sa mga dating nakarelasyon na niya.

Source: KAMI