Marami ang natuwa nang pagbigyan ni Janine Gutierrez ang request ng kanyang mga tagahanga na muli niyang makasama sa isang vlog ang kanyang Mamita na si Pilita Corrales. 

Sa isang vlog na ibinahagi ng aktres nito lamang ika-30 ng Abril, nakasama niyang muli ang beteranang mang-aawit at kanyang lola na si Pilita. Sa vlog, mayroon silang mga inihandang katanungan sa isat-isa na kailangan nilang sagutin.

Isa nga sa mga tanong ng kanyang Mamita sa kanya na kinailangang sagutin ni Janine ay tungkol sa kung sino umano ang kanyang secret crush.

Noong una, halos hindi ito magawang sagutin ni Janine dahil sa hiya. Ngunit, kalaunan ay napaamin din ang aktres ng kanyang Mamita. Ayon kay Janine, high school pa lamang daw siya nang magkaroon siya ng crush sa aktor na ito at hindi pa umano nag-aartista ng mga panahong iyon ang naturang aktor.

Gaya ng kanyang papa na si Monching Gutierrez, dating nagka-car racing ang naturang aktor kaya nakikita niya na ito dati. Kwento pa ni Janine, 

“Oh my God, I’m too shy. Hindi pa siya artista noon, but.. Yeah! I would see him kasi he would race with papakasi si papa nangangarera ng kotse…”

Bagama’t nahihiya, inamin din ni Janine na ang kanyang tinutukoy na naging crush nito dati ay si Matteo Guidicelli.


“So my crush talaga ever since is Matteo Guidicelli. To the point na I practice na my signature kapag Guidicelli ‘yun,” nahihiyang pag-amin pa ni Janine.

“Really?” ang nakakatawang naging reaksyon naman ni Pilita sa pag-amin ng kanyang apo.

Gayunpaman, ipinaliwanag naman ni Janine na dati pa iyon at sobrang tagahanga siya ni Sarah Geronimo, ang misis ni Matteo. Ayon pa nga sa aktres, sobrang saya niya umano para sa dalawa nang tuluyang ikasal ang mga ito.

“But guys! Sobrang Popster ako! I love Sarah G (Geronimo), so when they get married I was super happy for them and sobrang bagay sila,” ani pa ulit ni Janine.

Sinang-ayunan naman ni Pilita ang naging pahayag ng apo at masaya din umano ito na masaya ngayon ang aktor at si Sarah. Dagdag ani pa nga ni Pilita, alam niyang mabuting tao raw si Matteo dahil kilala niya ang mga magulang nito.

“Matteo is such a nice person. I know the parents of Matteo also. That’s good at least Matteo and Sarah are happy together,” ang ani naman ni Pilita.

Dahil sa kayang pag-amin ay hindi pa rin naiwasan ni Janine na mahiya kaya nagbigay na lamang ito ng simpleng pagbati para kay Matteo. Nahihiyang ani pa nga nito,

“Oh my gosh! Anyway, now you know. Hi Mat!”

Samantala, ayon naman kay Pilita ay naging crush niya naman noon ay si Eddie Gutierrez kung saan, nagkaroon ito ng isang anak, ang ama ni Janine. Natatawa nitong ikinuwento sa apo ang mga nangyari dati at naibahagi rin nito na mabuti silang magkaibigan ng misis ni Eddie na si Annabelle Rama.


Sa ngayon, mula nang mailabas ang naturang vlog ay mayroon na itong mahigit sa 100,000 views.

Source: KAMI