Kamakailan lang ay matapang na inakusahan ng team ni Miss Universe Canada Nova Stevens ang Dubai-based Filipino Fashion Designer na si Michael Cinco. Ani ng mga ito, “late” na umano na ipinadala ng designer ang gown na susuotin ng beauty queen at bukod dito ay hindi pa kasya ang mga ito kay Stevens.

Hindi naman nagpatinag si Cinco at hayagang inilabas ang katotohanan laban sa mga maling akusasyon na ibinato sa kanya. Dito, tinawag ng fashion designer na “low lives PSEUDO GLAM TEAM” ang teamb ni Miss Canada matapos na isiwalat ang tungkol nito ang hindi raw pagbabayad ng team sa kanya sa loob ng tatlong taon na pagbibihis nito sa kanilang mga kandidata.

Ayon kay Cinco, walang katotohanan ang akusasyon ng mga ito sa kanya dahil kung tutuusin, ang katotohanan umano ay ginamit lamang siya ng team. Kahit kaunting pasasalamat ay wala umano siyang natanggap mula sa mga ito. Maliban sa pagtawag sa buong Miss Universe Canada team na “ungrateful, “vile”, at “professional users”, tahasan niya ring tinawag si Stevens mismo na “ungrateful”.


Kaya naman, kaagad din na naghayag si Stevens ng mensahe para kay Cinco sa kanyang social media account. Dito, ayon sa beauty queen ay mayroon itong gustong linawin. Sa kabila ng binitawang pahayag ni Cinco patungkol sa kanya, ayon kay Stevens ay malaki umano ang pasasalamat niya sa Filipino fashion designer lalo na’t “highlight” umano ng kanyang career ang makatrabaho ito.


Bagama’t naka-pribado na ngayon ang social media account ni Stevens, na marahil ay dahil sa mga natatanggap nitong kritisismo mula sa mga Pilipino, marami ang nakapanood sa video na ibinahagi nito kung saan nito isinaad ang kanyang mensahe para sa Filipino fashion designer.

Heto nga ang ilan sa kanyang isinaad tungkol sa isyu at para kay Cinco:

“So I just want to address the few that recently transpired between my team MGmode and Michael Cinco. Unfortunately, I’ve been made to be involved so I just want to clarify a few things.

“This really hurts me because I have nothing but love for both parties. They have both helped me in ways that I cannot even count. So, every day I do count my blessings because of these two people, MG mode and Michael Cinco.



“Michael, I have nothing but love and gratitude towards you. You have created the most beautiful gowns I could even think of. I’ve never once imagined that I would work with you because you’re Michel Cinco. The fact that I was able to work with you is honestly a highlight of my career as Miss Universe Canada. So I just want you to know that that gratitude will never diminish no matter what and I express that gratitude publicly and privately… 


“And, God knows my heart, I really do appreciate gratitude because I really feel that gratitude is the greatest multiplier in life. The more grateful you are in life, the more life gives to you. So, please know that – that will never change. I will continue and will always be grateful towards you because you have been nothing but kind to me, nothing but kind.”

Source: PEP