Laking gulat ng maraming mga netizen naang ibinahagi ni DJ Nicole Hyala ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng kanyang pamilya ngayon na hindi aakalain ng marami na may malubhang sitwasyon palang pinagdaanan ang DJ.

Emosyonal na ibinahagi ni DJ Nicole sa publiko ang pinagdaanang pagsubok ng kanyang pamilya matapos napatunayan ang ang isang milagro sa loob na nangyari sa kanyang anak.

Napatunayan ng radio personality na totoo talagang may milagro nang isinapubliko niya ang pagbahagi ng paggaling ng kanyang anak na si Princess mula sa malubhang sakit nito. 

Ito ang dahilan kung bakit na hindi na nagparamdam ang DJ sa social media dahil kinakailangan niyang pagtuunang pansin ang kondisyon ng kanyang anaj na na-coma ng ilang araw. 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Nicole ang larawan ni Princess habang nasa ospital noong April at nitong May lang ay laking pasasalamat ng pamilya ni Nicole na gumaling ito.

Sa isang YouTube video, emosyonal na ipinahayag ni Nicole at ng kanyang mister na si Renly Tinala ang kanilang pinagdaanan na naging testimony of God’s love and miracle for us.”


Ayon kay Nicole, April 16 nagsimulang nilagnat ang bata at kinabukasan ay na-confine na ito sa Binan Doctors Hospital. Walang ideya noon sila Nicole kung ano ang sanhi ng lagnat ni Princess pero kapansin-pansin ang biglaang pananamlay nito.

Inilagay umano si Princess sa ICU at kinalaunan ay inilipat na ng ibang ospital kung saan nanatili siya ng tatlong linggo. 

Sinabi ni Nicole na akala nila simpleng lagnat lang yun pala ay brain inflammation.

“Napakarami naming tanong ‘bakit si Princess?’ and it was really painful to see her there. Ang pinaka masaklap wala namang way para magbantay sa loob ng ICU,” ani Nicole.

Sa kanyang Youtube video, doon nakuwento ni Nicole ang hirap na kanilang pinagdaanan nang nai-confine na ang kanilang anak na si Princess. 

“I know for a fact that it is not an easy disease, not an easy sickness, kasi brain yung tinamaan. And then agad agad tinawagan kita ng madaling araw daddy no, kasi sabi ko may pinapabili kaagad na gamot at 1 A.M. Wala daw dun sa ospital, so kailangan maghanap.”

So, naghnapa siya. Naghanap si Ren. Tapos sabi niya, na ng daming angels. Yung unang  angel na nameet niya yung pharmacist na kahit madaling araw…”

Dagdag ng kanyang mister, kahit 1 A.M ng madaling araw ay may nagkusa pa rin pharmacist na sinabihan siyang pwede kunin yung gamot, pick-up lang. Sinabihan pa siya ng pharmacist, “I hope your daughter is okay.”

Sa unang social media post ng sikat na DJ, abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa paggaling ni Princess, “HE LORD HAS SHOWN HIS GLORY AND MIGHT. HE HAS GIVEN US A MIRACLE.


Nagpasalamat din sina Nicole sa mga nakilala nilang prayer warriors kabilang na ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, sina Amy Austria, Gina Alajar at Ali Sotto at sa lahat ng medical staff na nag-alaga kay Princess.

Panoorin ang buong video dito!