Sikat na sikat ang kasabihan na kapag pinanganak kang mahirap ay hindi mo kasalanan iyon ngunit kapag namatay kang mahirap ay pananagutan mo na iyon. Ang kasabihang ito ay kusang totoo. Ngunit meron ding mga tao na tinatawag nating mga swerte.

Sa panahon na hindi mo inaasahan ang swerte, kapag para sa'yo ay para sa'yo talaga. Ang bagay na nakalaan para sa'yo ay kusa mo talagang makukuha. 

Katulad na lamang na nangyari sa dalawang couple na nag viral sa social media matapos makatanggap lang naman ng tumataginting na $14.2 milyon matapos makapagbigay ng lalaking apo sa kanilang mga magulang. 

Marami ang nagtaka sa nasabing pagbibigay ng magulang ng mga lalaki sa perang ibinigay sa kanyang anak na lalaki sa kabila ng pagkakaroon ng puro anak na babae. 

Matapos inanunsyo ito ng dalawang couple na si Mario Ho at kanyang asawa na supermodel na sa wakas biniyayaan na sila ng lalaking apo nitong Oktubre 24 lang. Ang kanilang lalaking apo ay pinangalanan nilang Rolando. 

Natuwa ang mga netizen sa balitang natanggap nila dahil nitong nakaraang buwan lang ay gumawa sila ng anunsiyo na kapag nagkaroon sila ng apong lalaki ay bibigyan nila ito ng $14.2 milyon o aabot hanggang sa mahigit 600 milyon pesos bilang regalo. 


Naging maswerte ang mag couple dahil instant umano ang kanilang naging pagkayaman. 

Ngunit masasabi nga naman na tunay na galante mga magulang nito dahil ayon sa balita, ang couple ay nakatanggap ng 500 milyon yuan o may katumbas na $71 milyon noong sila ay ikinasal tatlong buwan na ang nakalipas. 

Maraming mga netizen ang napatanong na lang kung ano ang hanapbuhay ng mga magulang nito dahil sa umano'y parang ipamimigay lang ang pera. 

Hindi rin maipagtataka na kayang kaya nilang ibigay lang bilang papremyo ang ganito kalaking halaga dahil ang kanyang ama ay isang mayamang business tycoon at ang kanyang asawa ay isang supermodel. 

Akala ng marami na engrande ang maging kasal ng couple ngunit sa totoo, napaka simple lang nito. Pinaniniwalaan naman ng marami na magiging bongga ang party para sa kanilang anak.

Totoong matutuwa talaga ang mga magulang kapag biniyayaan sila ng lalaking anak dahil alam nilang may magdadala pa ng kanilang apelyido sa susunod na henerasyon. 

Ang kwentong ito ay isa lamang sa mga hangong mga kwento ng mga taong naranasan ang mga instant gratification. 

Tunay nga na napakaswerte ng kanilang anak at lalong lalo na ang apo nito. Hindi siguro mararanasan ang kahirapan na dinanas ng maraming tao noong sila ay isinilang at maaaring hanggang ngayon din. 


Ngunit ang pinakalalaman ng istoryang ito ay hindi pa rin matutumbasan ang kasiyahan na nararamdaman ng mga lolo at lola na na sa wakas ay nabiyayan din sila ng lalaking apo na pwede pa ipagpatuloy ang kanilang angkan sa susunod pang henerasyon. 

Source: therelatable