Mainit nga na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tuluyang paghaharap ng mga vlogger na sina Jomar Lovena at Sachzna Laparan at ng aktor na si Jerome Ponce. 

Ito ay matapos ang isyu tungkol sa tatlo kung saan, hindi man diretsahan ang pag-amin ay kumpirmadong magkarelasyon na sina at Jerome at Sachzna. Bago ito, si Jomar ay matagal na naging partner ni Sachzna at si Jerome umano ang dahilan kaya hindi nagkatuluyan ang dalawa.

Sa naturang larawan ng pagkikita ng tatlo, makikita na nakayakap si Sachzna kay Jerome habang nakangiti lamang sa tabi nito si Jomar. Ayon sa huli, patunay umano ito na maayos ang relasyon nilang tatlo at walang samaan ng loob na nangyayari sa kanila.

Ang naturang larawan naman ay kinunan sa pagdalaw nina Sachzna at Jerome sa lamay ng lola ni Jomar. Para matigil na ang isyu at pambabash sa kanila, inimbitahan umano ni Jomar ang dalawa upang ipakita sa publiko na maayos silang tatlo at magkakaibigan. 

Dito, pinasalamatan pa ni Jomar ang dalawa at ayon dito ay magkakaroon pa  nga raw sila ng collaboration. Samantala, maging ang nanay ni Sachzna ay nagsalita na rin at ipinagtanggol ang anak mula sa mga nambabash dito. Ayon sa kanya, pumunta umano sila roon para makiramay dahil maayos umano ang kanilang relasyon kay Jomar.


Kung matatandaan, ilang beses na ring lumabas sa social media ng mga larawan nina Jerome at Sachzna na magkasama. Binati rin ng mga ito ang isa’t-isa sa kanilang kaarawan kung saan, nag-iwan ang mga ito ng mga maikli ngunit makahulugang mensahe.

Sa kaarawan ng vlogger, sa isang Instagram post ay binati ito ni Jerome kung saan, isinaad nito sa caption na “Happy birthday nassib.” Ang “nassib” ay isang Arabic word na ng ibig sabihin ay “fate” o “destiny”.

Samantala, sa kaarawan naman ni Jerome, nagbahagi naman si Sachzna ng larawan nila ng aktor na magkahawak ang kamay. Dito, tinawag niya naman si Jerome na kanyang “soulmate”.

“Happy birthday mon âme sœur,” ang ani pa nito sa kanyang caption para sa aktor. 

Maliban sa mga ito, minsan na rin na lumabas at naging panauhin si Jerome sa vlog ni Sachzna. Ito ay sa vlog ni Sachzna na “Sagot o Lagok With Jerome Ponce” na ibinahagi nito sa kanyang YouTube channel ilang araw lamang bago ang kanyang kaarawan.

Samantala, matapos na lumabas noon ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nina Jerome at Sachzna, agad naman na nagbahagi ng kanilang opinyon ang mga netizen. Iba-iba ang reaksyon ng mga ito lalo na ang mga tagasuporta nina Sachzna at Jomar na inakalang sila ang magkakatuluyan.

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang panghihinayang, masaya umano ang mga ito para sa dalawa lalo na’t galing na rin umano kay Jomar na maayos pa rin naman ang kanyang relasyon kina Jerome at Sachzna.


Bago si Sachzna, huling nakarelasyon ng aktor na si Jerome ang volleyball star na si Mika Reyes. Mahigit apat na taon din ang itinagal ng kanilang relasyon na nagtapos umano noong nakaraang taon matapos mapansin ng mga netizen na hindi na fina-follow ng dalawa ang isa’t-isa sa Instagram. Kasunod nito ay binura rin ng dalawa ang kanilang mga larawan na magkasama.

Panoorin ang buong video dito!