Usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang klase ng upuan na pinagawa ng isang lalaki sa kanyang motorsiklo matapos ang kanilang maraming beses na pag-aaway ng kanyang girlfriend na laging nag aakusa sa kanya. 

Palagi raw naririnig ng lalaki na nagngangalang Khoirul  Anam mula sa kanyang girlfriend na baka raw may iba siyang inaangkas o baka may iba siyang babae. 

Sinabi naman ng lalaki na lahat ng mga akusasyon sa kanya ng kanyang girlfriend ay walang katotohanan pawang puro pagdududa lang talaga. 

Ngunit hindi pa rin tumigil ang kanyang girlfriend at pabalik balik pa ring sinasabi na totoo ang mga hinala nito na may ibang babae talaga ang kanyang nobyo.

Kaya naman, nakaisip na lang siya ng isang paraan at napagdesisyunan niyang lagyan ng mga pako ang kanyang upuan sa motorsiklo para sa ikatatahimik ng kanyang nobya. 

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Khoirul mula sa Magelang, Indonesia ang mga larawan ng upuan ng kanyang motorsiklo na pinagawa niya matapos ang kanilang pagtatalo ng kanyang girlfriend na si Intan Shinta. 

Palagi na raw kasi nilang pinagtatalunan na baka raw marami nang inaangkas na babae ang kanyang nobyo sa motor nito kung kaya naman napagdesisyunan na nga ni Khoirul Anam na palagyan ng matutulis na mga pako ang mismong upuan ng kanyang motor.

Bilang patunay na totoong nilagyan talaga niya ng pako ang kanyang motorsiklo, ibinahagi niya ang isang larawan ng kanyang upuan ng kanyang motorsiklo na nakatusok ang isang bayabas sa mga pako. 



Naging masaya naman ang reaksyon ng kanyang nobya dahil napatunayan talaga ni Khoirul na mahal niya ang kanyang nobya at walang ibang babae na inaangkas ito.

Ngunit ang hindi nga lang naisip niya ay ang napakahirap na sitwasyon sa oras na aangkas na ang kanyang nobya dahil sa mga nilagay niyang mga pako sa upuan ng kanyang motorsiklo.

Sa halip na komportable na makakaupo ang kanyang nobya sa likurang upuan ng motorsiklo, nagtiis nalang muna ang kanyang nobya na umipo sa napakakitid na espasyo sa harapan nito habang nagmamaneho si Khoirul. 



Isang malaking problema na naman ngayon kung tatanggalin ba niya ang mga pako sa upuan ng kanyang motorsiklo para hindi na magduda pa ang kanyang nobya o tatanggalin niya ito para may maayos na mauupuan ang kanyang nobya sa tuwing ito ay sasakay sa kanyang motorsiklo.

Source: socmedtoday