Pinag-uusapan ngayon ang aktres sa social media na si Nadine Lustre matapos ang kanyang naging panayam sa programa ni Boy Abunda tungkol sa kanyang current lovelife.

Sa programang, "Tonight With Boy Abunda," napag-usapan nina Tito Boy at Nadine Lustre ang kasalukuyang status ng aktres. Dito tinanong ni Tito Boy kung may dine-date ba ang aktres. 

Dahil sa umuugong na usapan tungkol sa balitang may kasalukuyang date ang umanong aktres. Agad naman itinanggi ng aktres na wala talagang katotohanan ang mga ito. 

“I’m definitely not seeing anyone. I’m so busy, Tito Boy. I have no time. “Plus, I really told myself I’m just going to work on myself,” sabi ni Nadine. 

Matatandaang marami ang nalungkot sa nangyaring hiwalayan nina Nadine Lustre at James Reid. Hindi halos matanggap ng kanilang mga fans na opisyal na hiwalay na talaga ang dalawa. 

Ngunit inamin naman ng aktres na hindi naging mahirap sa kanilang dalawa na maging close pa rin sa isa't isa. 


Honestly, he’s just been pushing me. He’s actually the one lining up all the things, all of the projects for me which I am really grateful for because I wouldn’t have done it without him,” the actress said during an interview," sinabi ni Nadine sa kanyang panayam sa TWBA. 

“I guess it is what it is. We have supported each other immensely, we are so close pa rin (still),” she stated. “I guess it is best not to put a line [on] it. We’re happy.” dagdag pa niya. 

Minsan ding sinabi ni Nadine na hindi na siya naniniwala sa mga attachments at ownership na kapag mahal mo ang tao, mahalin mo lang ng todo. 

"If you wanna love a person, just love them fully. You don’t have to pick who you want to love because, at the end of the day, that’s what we’re here for. We’re meant to show love to everyone else,” sabi ng aktres. 

Maalalang opisyal na inanunsyo ng dating celebrity couple na hiwalay na sila noong January 2020 matapos ang mahigit tatlong taon na relasyon. 

Inamin naman ng dalawa na in good terms pa rin sila at walang problema sa kanila ang patuloy na magkatrabaho sa industriya. 


Si Nadine Alexis Paguia Lustre ay isang singer-actress at music video director at dating member ng all female group Pop Girls. 

Kilala din siya sa kanyang mga pelikula na "Diary ng Panget" (2014), "Talk Back and You're Dead" (2015), "Para sa Hopeless Romantic" (2015) at "This Time" (2016).

Source: INQUIRER