Magiliw na nakipagkulitan kamakailan lang ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez sa kanyang mister na si Ogie Alcasid sa YouTube Channel ng huli. Dito, kakagising pa lamang ni Regine at walang anumang ayos sa mukha ngunit, game pa rin itong nakipagkulitan sa asawa.

Sa naturang vlog na ibinahagi ni Ogie, makikitang halos nakanganga pa nga noong una si Regine dahil tulog pa ito nang magsimula si Ogie sa kanyang live video. Hanggang sa nagising na nga ito at walang anu-anong nakipagkulitan sa kanyang mister at sa kanilang mga viewers.

Naaaliw naman ang mga netizens na nakapanood ng naturang video dahil sa kakulitan ng dalawa. Namangha din ang mga ito sa natural na ganda ni Regine na walang pagdadalawang-isip na humarap sa kanila kahit walang suot na makeup. Hindi kagaya ng kadalasang ayos ni Regine kapag lumalabas sa TV, simple lamang dito ang singer at nakapambahay lamang.

Dahil nga sa kakagising pa lamang ni Regine at wala itong suot na anumang makeup, agad na napansin ng mga viewers ay ang kilay umano ng “Asia’s Songbird”. Bagama’t hindi kagaya ng iba na tuluyan nang inahit ang kilay, mayroon pa rin namang kilay si Regine ngunit kapansin-pansin na manipis ito.

Gayunpaman, ikinamangha pa rin ito ng mga netizen dahil proud itong humarap sa kanila kahit hindi pa ito nakakapag-ayos. Humanga ang mga ito sa kasimplehan ni Regine na wala umanong arteng humarap sa social media kahit bagong gising pa lamang.


Ani pa nga ng iilan, kung gugustuhin umano ni Regine ay kayang-kaya naman umano nitong sumailalim sa iba’t-ibang mga proseso tulad ng pagpapatattoo ng kilay ngunit, mas pinili umano nito ang ganoon dahil nga simple lamang ito at confident siya sa kanyang mukha.

Hindi pa rin naman umano maikakaila ang ganda ni Regine lalo na ang ganda ng ugali nito. 

Samantala, maliban kay Regine ay marami rin ang humanga kay Ogie na proud din sa simpleng ayos ng kanyang misis. Proud na proud ito sa ganda ni Regine kahit hindi pa ito nakaayos at bagong gising pa lamang.

Kaya naman, agad na naging viral ang kasimplehang ito ng mag-asawa at umani ng iba’t-ibang papuri at paghanga mula sa mga netizen. Heto nga ang ilan sa mga komentong ito na iniwan ng mga netizen tungkol sa kanila:

“Buti nga siya mayaman na, pero hindi nagpapakilay. Eh, ‘yung iba nga diyan, masabi lang na maganda at may kilay, nagpapatattoo pa ng kilay. ‘Yun na raw kasi uso ngayon.”


“Di niya kailangan kasi if you love a person, you don’t need to prove it by appearance. ‘Pag mahal ka, kahit ano pa itsura mo, mahal ka talaga. Napakabait na tao ni Regine.”

“Yung ibang maraming pera, magpapakilay talaga. Maraming pera, ehh! Si Regine, simple lang talaga kahit mayaman na siya. Beautiful inside and out.”

“Pwede siyang magpakilay if she want. Nandyan si Bello pero for some reason. Siguro talagang ayaw niya magpagawa ng kilay. Maganda pa rin naman siya.”

“Maganda pa rin kahit walang kilay. Buti nga siya, kilay lang wala. Eh, ‘yung iba diyan walang JOWA!”

Source: socmedtoday