Matapos ang mga naglalabasang trending na mga pampaganda at mga gamit pang enhance ng kagandahan ng isang tao, marami ang nahuhumaling na subukan kung ano ang kumakalat sa social media. Marami ang naantig na ipa enhance pa ang kanilang panlabas na anyo.

Sa kasagsagan ng pandemya, hindi na pwedeng lumabas ang isang tao kapag hindi niya suot ang kanyang face mask bilang proteksyon sa virus. Hindi na nakikita ang buong mukha ng isang tao dahil naka face mask na ang kalahati ng mukha.

Ang tanging nakikita na lang ng isang tao ay ang mata. Kaya kung ganun na lamang ang pagkahumaling ng isang tao lalong lalo na sa mga dalaga na mas pagandahin pa ang kanilang mga mata.

Iilan na rin ang mga sumubok na ipa enhance ang kanilang kilay at ang nauusong pagpapahaba pa ng pilik mata. Patok na patok  ngayon ang tinatawag na “eyelash extension” na kung saan pwede pang pahabain ang pilik mata ng isang tao.

Ngunit sa likod ng mga trending na klase ng enhancement na ito, swerte na lang siguro ang walang komplikasyon pagkatapos ng nasabing pagpapa enhance ng pilik mata.

Kagaya na lamang sa nangyari sa tatlong dalaga na sinubukan ang pagpapa eyelash extension na hindi nila inaasahan na mauuwi ito sa trahedya. 

Halos magkapareho ang nangyari sa at naranasan ng tatlong dalaga na nangangalang Nicka, Kimberly at Kiela matapos magpalagay ng eyelash extension na ikinagulat nila ang naging resulta ng pagpapalagay ng eyelash extension.


Sa halip na gaganda, dahil iyon ang punong punto ng paglalagay ng eyelash extension, ang kanilang mga mata ay namumula, nagmumuta, nangati at ang nakakatakot sa lahat ay ang posibilidad na maaari silang mabulag dulot sa naging komplikasyon sa ginawang proseso. 

Itinampok ang kwento nila ni Nicka, Kimberly at Kiela sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) na dito napag-alaman na sa halagang Php 100 lang ay nagpapalagay na siya ng eyelash extension. 

Laking gulat ng marami dahil napaka mura lang daw ng kanyang pagpapa eyelash extension na sabi ng mga propesyonal na ang halaga ng eyelash extension ay umaabot hanggang Php1,500 hanggang Php3,000. Kaya ganun na lamang ang pagkagulat ng iilan na nasubukan na ang pagpapa eyelash extension.

Sa halip na makatipid sa pagpapaganda, ay gumastos siya ng mas malaking halaga sa pagpapagamot ng kanyang namamaga na mga mata.

Kasunod nito, ganito rin ang nangyari sa dalaga na nagngangalang Kiela na pagkatapos ng pagpapagawa niya ng kanyang pilik mata, namamaga at namumula ito. At mas malala pa, ay nagdulot ito ng pagnana. 

Kailangan pa siyang operahan at hiwain ang taluka para maagapan at maalis ang mga nana sa kanyang mga mata.

Hindi masama na nanaisin ng isang tao na magpaganda o ipa enhance kung ano mang meron siya. Ngunit nararapat lang na siguraduhin ng isang tao na ligtas ang kanyang pinapagawaan at siguraduhin ding tunay na eksperto ang gagawa ng nasabing proseso.


Ang eyelash extension ay ay isang proseso o make up application na siyang nagpapahaba ng pilik mata ng isang tao. Tinutulungan nitong i-enhance ang length, curl at thickness  ng pilik mata ng isang tao.

Panoorin ang buong video dito!