Malaking balita pa rin ang tuluyang paglipat ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA Kapuso Network matapos ang ilang taon na pananatili nito bilang isang Kapamilya. Bagama’t marami sa mga tagahanga ni Bea ang sinuportahan ito sa kanyang desisyon, mayroon ding iba na nahihirapang tanggapin ang paglisan ni Bea sa ABS-CBN.

Kaugnay nito, mas naging kontrobersyal pa ang paglipat na ito ni Bea nang lumabas ang balita tungkol sa umano’y pag-abandona ng aktres sa isang proyekto nito sa ABS-CBN na nasimulan na umano ang taping. 

Sa isang post na ibinahagi ng direktor na si Erick Salud, hindi man direkta ay halatang si Bea umano ang pinatamaan nito tungkol sa isang aktres na mayroon nang proyektong sinimulan at naipromote na rin, ngunit lumipat. Ang ani pa nga ng direktor,

“So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. (Tapos) say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Agad din na kumalat sa social media ang isyu na ito at lumabas din ang trailer umano ng proyektong ito sana ni Bea na hindi raw nito natapos dahil nga sa kanyang paglipat. Ito ay ang teleseryeng ‘Kahit Minsan Lang’ kasama sana sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell.


Kaugnay nito, sa vlog na ibinahagi ng komedyante at aktor na si Ogie Diaz ay nagbigay ito ng kanyang mga pananaw at nalalaman o naririnig tungkol nga sa naging hakbang na ito ni Bea sa kanyang karera sa showbiz.

Ayon dito, bago ang kanyang desisyon na lumipat ay naghintay rin naman umano si Bea na matuloy ang taping ng naturang proyekto ngunit, kalaunan ay nagkaroon umano ng mutual decision sa kanilang mga panig na huwag na munang ipagpatuloy ang proyekto. Inalok din umano ng pelikula si Bea ngunit, wala din naman umanong maibigay na script dito.

Gayunpaman, ang mahalaga pa rin naman umano ay maayos ang paglipat ni Bea dahil wala itong kontrata na iniwan. Wala naman umanong lipatan na walang kurot pero sana umano ay magkaayos din ang mga ito.

Sa kabilang banda, matapos maging trending ang trailer ng ‘Kahit Minsan Lang’ ay lumitaw naman ang pangalan ng aktres na si Julia Montes matapos na imungkahi ng maraming mga netizen na ito na lamang umano ang ipalit kay Bea sa proyekto.

Ayon sa mga ito, matagal-tagal na rin naman mula nang huli nilang napanood ang aktres at walang duda umano na bagay at mabibigyan ni Julia ng magandang pagganap ang karakter na iniwan ni Bea sa ‘Kahit Minsan Lang’.

Panahon na umano para bigyan ng proyekto ang aktres dahil hindi maitatanggi na isa si Julia sa pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon at kahit mapahanggang ngayon.


Samantala, hindi rin naiwasan nina Ogie na mapag-usapan ang tungkol naman sa personal na buhay ni Julia. Kamakailan kasi ay ilang beses na namataan ang aktres kasama si Coco Martin na ilang taon nang napapabalita na karelasyon ng aktres ngunit, hindi kailanman kinumpirma ng mga ito.

Panoorin ang buong video dito!