Nagkagulo ngayon ang mga fans ng mag-asawang Chito at Neri Miranda matapos kumalat ang  'cryptic post' ng dalawa kaugnay sa usapin ng failed relationship.

Sa kanilang social media accounts, kaniya-kaniyang post ang dalawa ng mga photos na nagpa trigger sa mga isipan ng kanilang mga fans.

Isang imahe ng broken heart ang pinost ni Chito samantalang isang bleak window glass naman ang pinost ng kanyang asawa. 

Nakalagay sa caption ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito, “Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat… pero bakit parang hindi na tulad ng dati? “bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin.”

["I thought nothing would change and everything is so ok ... but why doesn't it seem like before?"


“Why is there a stench that continues to destroy the fellowship we are accustomed to."]

Matapos ang cryptic post ni Chito, oras lang ang lumipas, sinundan agad ito ng isang post ng kanyang asawa. Nakalagay sa caption ng kanyang asawa ang mala "poetic"na caption:

"Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon."

"Sometimes you think...even if you're doing everything, it still doesn't seem to be enough. Is there anything missing?"

Matapos nag trending ang posts ng dalawa, maraming mga netizen lalong lalo na ang mga fans nila Chito at Neri ang naalarma dahil ito ay nagpapahiwatig ng hindi maganda.

Maraming bumuo agad ng kanilang mga hinala na baka nagkaroon ng problema ang dalawa at naapektuhan nito ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Kaugnay nito, marami rin ang mga umaasa na sana ay para sa panibagong kanta lang ito ng Parokya ni Edgar frontman at walang kinalaman sa relasyon ng dalawa.

Hindi napigilan ng iilang mga netizen na magbigay ng kanilang mga komento at suporta sa mag-asawa.

“Malamang kanta yan… Bago. Right, Chits?”

“Pagsubok lang yan…”

“Ano ito? Pls don’t tell me you’re having troubles…”

Si Chito Miranda at Neri Naig ay kasal sa loob ng pitong taon na. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ini-expect na nila ang kanilang second child.


Matatandaang naaktuhan ang mag-asawa na hindi suot ang kanilang wedding rings sa kanilang recent pictorial noong ini-announce nila na magkakaroon na sila ng second baby. 

Ipinaliwanag naman ni Neri na hindi siya nagsusuot ng wedding ring limang taon na dahil sa kanyang valid reason.

“Hindi na sya kasya! Lumaki talaga ako simula nung nagbuntis ako. Gustuhin ko man, ayaw kong maging purple ang daliri ko, haha!” paliwanag ni Neri.