Ngayong araw lang ay kalat na kalat na sa social media ang isyu tungkol sa mag-asawang Chito at Neri Miranda na ngayon ay inaabagan na ng maraming mga netizen sa programang Raffy Tulfo in Action.

Matatandaang nagkagulo kamakailan ang mga fans ng mag-asawang Chito at Neri Miranda matapos kumalat ang  'cryptic post' ng dalawa kaugnay sa usapin ng failed relationship.

Sa kanilang social media accounts, kaniya-kaniyang post ang dalawa ng mga photos na nagpa trigger sa mga isipan ng kanilang mga fans.

Isang imahe ng broken heart ang pinost ni Chito samantalang isang bleak window glass naman ang pinost ng kanyang asawa. 

Nakalagay sa caption ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito, “Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat… pero bakit parang hindi na tulad ng dati? “bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin.”

Matapos ang cryptic post ni Chito, oras lang ang lumipas, sinundan agad ito ng isang post ng kanyang asawa. Nakalagay sa caption ng kanyang asawa ang mala "poetic"na caption:

"Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon."

"Sometimes you think...even if you're doing everything, it still doesn't seem to be enough. Is there anything missing?"


Sa panayam ni Chito sa programang Tulfo, nagulat daw siya na nalaman ng mga tao ang kanyang pinost sa social media. Batid pa niya, wala naman daw siyang ginawa. 

"Ah actually po, first of all, ah magandang magandang umaga at maraming salamat dinulong niyo ang aking reklamo. Kasi po, totoo po…Nagulat po ako nang nalaman ng mga tao na naging big deal yung pinost ko," sabi ni Chito.

Tinanong agad siya ni Raffy Tulfo kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kanyang pinost sa social media.

Inamin ni Chito na pinasaring niya iyon para paringgan ang kanyang asawa. "Ah first of all, inamin ko na pagpapasaring ko yan para paringgan ko po yung aking asawa na si Neri," dagdag pa ni Chito.

Paliwanag ni Chito, ang ginawang pag post niya ay ginaya lang niya sa mga kabataan na kapag may problema ay ipost lang sa social media para mahimasmasan nang kunti.

"Inaamin ko po na sa asawa ko po talaga 'yan," pahiwatig ni Chito. 

Nabasa rin ni Chito ang naturang cryptic post ni Neri at nabatid niyang may problema talaga silang mag-asawa. 

"Ito po kasi yun, matagal ko na pong dinadala ito. Pero dati lang po, hindi ko po...Hindi ko na masyadong pinapansin. Pero ngayon po kasi, naapektuhan na yung relationship namin," paglalahad ni Chito. 

Sinabi ni Chito na kapag nasa labas siya ng kanyang asawa, sobrang lambing daw ni Neri. Ang gusto lang talaga ng kanyang asawa ay lagi siyang nakadikit kay Chito. 

Pero pag-aamin nito,  sa labas lang daw ganun ang kanyang asawa na sobrang lambing sa kanya. 

"Pagdating sa bahay, hindi niya po ako nilalapitan sa bahay. Kumbaga't napansin ko parang sa loob kami ng bahay nagpa-practice ng social distancing," aniya.

Sa kabilang linya, para maging mas malinaw ang lahat, handang handa si Neri na sagutin lahat ng mga katanungan sa kanya.

"Totoo po yun sir Raffy, kapag nasa labas kami talagang yakap na yakap ako kay Chito...Pero pag nasa bahay, hindi ako masyadong nakalapit sa kanya, kasi sir, ano ahh...maasim," paliwanag ni Neri.

"Si Chito po, maasim. May naamoy po kasi ako," sabi ini Neri.

Inilarawan niya na ang asim ni Chito ay parang basahan na hindi natuyo at parang amoy kulob.


Inamin naman ni Chito na palagi naman siyang naliligo at giit pa niya, mas madalas siyang maligo kaysa magsipilyo.

Banat naman ni Chito kay Neri na ang ganda ganda ng mga tuwalya ng kanyang misis ngunit amoy tuwalya na basa na nilagay sa bag. 

Paliwanag naman ng kanyang misis kung bakit amoy kulob ang mga pambahay ni Chito, dahil yung mga panlakad at pamporma na damit lang ang nilagyan ng downy.

Naging malinaw naman sa dalawa kinahulihan ang kanilang mga intensyon. Ang gusto lang ni Chito ay sana yung mga pambahay niyang damit ay malagyan din ng downy. 

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang misis. Wala naman pong problema, ang ida-downy ko, unahin ko yung brep niya," sabi ni Neri. 

Panoorin ang buong video dito!