Isa sa mga naging kontrobersyal na aktor sa loob ng Showbiz industry ay si Derek Ramsay na siyang kinagigiliwan at tiyak kinaiinisan din ng marami. Ito ay matapos ang mga hiwalayan ng kanyang mga naging long-time girlfriend. 

Marami ang naantig ang mga puso sa public relationship nila ni Derek at ni Andrea Torres dahil umano sa nakikitang relationship goals sa dalawa. Marami ang humanga at sumabaybay sa real life couple na ito.

Ngunit nayanig ang buong online community matapos kumpirmahin ng dalawa ang kanilang hiwalayan. Marami ang nalungkot at nagtaka sa naganap na hiwalayan sa dalawa. Pilit inaalam ng mga fans ni Derek at Andrea ang ugat ng kanilang hiwalayan.

Mainit init pa ang balita matapos nagsalita na si Derek tungkol sa naganap na hiwalayan. Inamin niya na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres. Nabanggit niya ang ilan sa mga rason kung bakit sila naghiwalay. 

Minsa na rin sa isang panayam na sinabi ng aktor ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng aktres na si Andrea Torres. 

Sa kasalukuyan ay nagpiyesta ang buong online community matapos ang agarang relasyon nila ni Derek at ng bagong girlfriend na si Ellen Adarna. 

Ngunit sa isang panayam ng aktor, sinabi niya na muntik na raw siyang hindi magpropose kay Ellen Adarna. 


Bago ang araw ng proposal, maraming mga problema ang kinakaharap ni Derek at ang isa sa  pinakamalaking problema ang kinakaharap ni Derek ay ang pagkawala mismo ng ring na gagamitin sa pag propose kay Ellen. 


“A day before the actual proposal, the shop I commissioned for the ring said they couldn’t locate it,” sabi ni Derek. 

“I was trying to put on a smile na maganda, but at the same time I wanna ‘hurt' somebody."

“So there I was just sitting there, so stressed, and then my phone rings and it the girl from the shop who told me ‘sir, its all right. I deliver the ring to you personally tomorrow morning," dagdag pa niya. 

“I was calling everyone and saying it’s on, it’s on, it’s on! I was so stressed!”

“I was calling everyone and saying it’s on, it’s on, it’s on! I was so stressed!”


Maalalang sinabi din nila sa publiko ang kanilang planong pagpapakasal sa madaling panahon. Sinabi ni Ellen na gusto lang niya ng simpleng kasal ngunit binawi rin niya ito kalaunan sa isang interview.

Si Derek Ramsay ay isang sikat na aktor at ang pinaka hinahangaang leading man sa industriya. Marami na rin siyang mga pelikula na pinagbibidahan at naging patok din sa mga manonood. 

Source: KAMI