Kilala ang ating bansa sa isa sa mga pinakamagaling na mag impersonate ng mga sikat na artista at singers. Marami sa kanila ang naging kilala na rin ng mga tao dahil sa kanilang husay na mag impersonate. 

Katulad na lamang ng isa sa mga kilalang impersonators sa mundo ng industriya, ang natatanging impersonator ni Megastar Sharon Cuneta. 

Ngunit, nitong mga araw lang ay malungkot ang marami nang umabot sa mga netizen ang naging post ng nasabing impersonator ni si Ate Shawee Martinez. 

Ipinaalam ng stand-up comedian sa kanyang mga kaanak at mga kaibigan gamit ang kanyang social media account tungkol sa kanyang dinaraanang pagsubok ngayon. 

“HINDI na pala ako gagaling.” Ito ang malungkot na ibinalita ng isa sa mga sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee Martinez.

Ayon kay Ate Shawee na habang tumatagal raw ay tila lumulubha ang kanyang iniindang karamdaman. 

“Hindi na pala ako gagaling. Lumabas man babalik ulit ospital walang wala na ako umaasa lang ako sa mga nagbibigay tulong sa akin. 

“Dko na yta kakayanin anu man mangyari konti na lang suko na ako,” ang unang post ng komedyante sa Facebook.



Nanawagan siya sa lahat ng mga kakilala at mga kaibigan niya na makakabasa sa kanyang post sa Facebook na i-tag ang kanyang ginagayang singer-artist para malaman kung ano ang nangyari sa kanya at para matulungan na rin siya. 

Kasunod pa ng nauna niyang post, inamin ng impersonator na hirap na hirap na siya sa kanyang sitwasyon at may mga pagkakataon na parang nanghihina na ang kanyang loob. 

“Nalulungkot ako napanghihinaan ng loob iyak ako ng iyak… Sana naman kayanin ko lahat ito. Mother of perpetual help,” ani Ate Shawee.

Ngayon ay patuloy pa ring gumagawa ng paraan ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan para makatulong sa pinansyal na pangangailangan sa patuloy na pagpapagaling ni Ate Shawee. 

Agad naman nag post ang pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela de Jesus para maipaabot sa mga kaibigan ni Ate Shawee ang kasalukuyan niyang sitwasyon at para matulungan siya dagdag pinansyal para sa pagpapagamot niya. 


“Hi facebook friends…sa mga napa saya at natulungan niya… My tita Shawee Martinez is in a bad shape. 

“She has LIVER Complications. She is in need of financial assistance. Any amount will do. 

“Let us give her back the joy and help she once gave us. We are asking for your prayers for a fast recovery,” aniya.

“Sa mga nais tumulong po, yan po gcash number lahat po ng isesend po buo po mapupunta kay tita shawi namin. 

“(Hindi na po namin piniling ilagay ang picture niya ngaun, dahil na rin po sa privacy ni tita shawee.) hindi po ito fake news or gawa gawa lang. at hindi naman kami mag iimbento ng ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.

“Ishare po natin ng ishare baka sakaling maka abot kay meme Vice Ganda at kay madam mega star. Sharon Cuneta.. thankyou po,” sabi pa ng pamangkin ni Ate Shawee.

Source: BANDERA